^

Punto Mo

Babae sa Egypt, 43 taon na nagpanggap-lalaki para sa trabaho

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Egypt ang kamakailan lang ay naging laman ng mga balita dahil sa 43 taon niyang pagpapanggap na lalaki para lamang makapaghanapbuhay.

Dalawampu’t isang taong gulang lamang si Sisa Abu Daooh nang siya ay mabiyuda. Napilitan siyang magtrabaho dahil wala na siyang ibang maasahan noon at kailangan niyang buhayin ang  anak.

Napilitan siyang magpanggap na lalaki dahil sa konserbatibong kultura sa Egypt na hindi maganda ang pagtingin sa mga babaing naghahanapbuhay. Kaya naman nagsuot siya ng jilbab na isang uri ng kasuotan na maluwag at mahaba upang hindi mahalata ang kanyang pagiging babae. Bukod dito ay nagsuot din siya ng turban at itim na sapatos upang makumpleto ang kanyang pagpapanggap.

Ito ang naging kasuotan ni Sisa sa loob ng 43 taon niyang pagtratrabaho bilang isang laborer sa mga construction site. Binuhay niyang mag-isa ang kanyang anak na nakapag-asawa rin. Sa kasamaang-palad, nagkasakit ang asawa ng kanyang anak kaya siya na rin ang bumuhay sa kanyang mga apo.

Kuntento naman si Sisa sa kanyang trabaho dahil para sa kanya ay mas mabuti na ang mabigat na trabaho sa cons­truction kaysa magpalimos sa kalye.

Kinilala naman si Sisa ng isang grupo sa Egypt dahil sa mga sakripisyong ginawa para buhayin ang kanyang mga mahal sa buhay.

BINUHAY

BUKOD

DALAWAMPU

KANYANG

KAYA

NAPILITAN

SISA

SISA ABU DAOOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with