^

Punto Mo

Manong Wen (242)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAG-INGAT ka Noime!­ Ang papa mo iniligtas ako. May sugat siya!”

Saka lamang nakita ni Noime si Tatang Nado na nakabulagta sa di-kalayuan. May sugat!

“Papa!”

Pero lingid kay Noime at kay Violy, buhay pa pala ang hayop na lalaki. Mu­ling nagbangon sa kabila ng mga sugat sa ulo at katawan. Hawak­ pa rin ang baril.

At sa pagkabigla ni Noime­, naitutok sa kanya ang baril. Hindi makakilos si Noime. Parang tumigil ang mundo.

“I-Ikaw a-ang uunahin ko!” sabi ng lalaki.

Nagsisigaw si Mam Violy. Malakas na malakas!

“Nado ang anak mo! Iligtas mo ang anak mo!”

Ang sigaw na iyon ang tila nagbigay ng lakas kay Tatang Nado. Kumilos siya. Buma­ngon. Hawak ang Kamagong. Inasinta ang lalaki. At saka ibinato­ ang Kamagong. Mabilis. Parang boomerang. Umikot-ikot ang Kamagong hanggang sa tumama sa leeg ng lalaki. Sapol na sapol! Bumagsak ang lalaki. Wala nang buhay! Nailigtas si Noime.­

Bumagsak naman si Tatang Nado pagkaraan niyon­.

“Nado! Nado! Noime ang papa mo! Ang papa mo!’’

Nawala na ang pagka­tulala ni Noime. Mabilis na dinaluhan si Tatang Nado.

“Tumawag ka ng pulis o ambulansiya, Noime! Ka­ilangang mailigtas natin ang Papa mo.”

Pero hindi na pala nila kailangang tumawag dahil narito na sina Jo. Sumunod pala si Jo kay Tatang Nado.

Kasama ni Jo ang mga pulis at ambulansiya.

(Itutuloy)

BUMAGSAK

HAWAK

KAMAGONG

MABILIS

MAM VIOLY

NADO

NOIME

SHY

TATANG NADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with