^

Punto Mo

Manong Wen (222)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NATAGPUAN mo sina Violeta at Noime­?’’ tanong ni Tatang Nado kay Jo. Nasa mukha nito ang pagtataka kung paano nahanap ang mag-ina gayung hindi man lang niya nabanggit ang pangalan ng mga ito.

“Nasa Maynila – sa Paco na po sila naninirahan.’’

Nanatiling nakatingin si Tatang Nado na para bang hindi makapaniwala. Parang imposible na nakita na ang kanyang mag-ina.

“Ipinagtanong ko po muna kita sa munisipyo na dati mong pinagtatrabahuhan. Nasabi po ang pangalan ng iyong mag-ina. Hinanap ko na po sila. Sa Maynila nga sila nanirahan mula nang lumayas sa inyong bahay. Naging matagumpay po si Mam Violeta na pagtitinda ng damit at iba pa sa Paco Market. Nakapagpatayo po nang magandang bahay hindi kalayuan sa Paco Church. Ang iyong anak na si Noime ay dalaga pa rin at mataas ang katungkulan sa isang accounting­ firm sa Ayala.

“Sabi po ni Mam Violeta, nagbunga ang kanyang pagtitiis. Nakamit po niya ang pangarap na makapagpatayo ng bahay at napag-aral ang anak na si Noime. Maligaya po siya…’’

Tiningnan ni Jo ang  matanda. Nangingilid ang luha. Parang nasabik bigla sa mag-ina dahil sa mga ikinuwento ni Jo.

“Pero may isang hindi magandang balita, Tatang…’’

“Ano ‘yun?’’

“Hindi ka po nila mapatawad. Sobra raw pong sakit ang ginawa mo sa kanila. Sabi po ni Mam Violeta, sariwa pa sa kanyang alaala ang kalupitan at mga pahirap na idinulot mo sa kanya. Hindi raw po niya malilimutan iyon. Damang-dama ko ang sakit na naramdaman ni Mam Violeta.’’

Napatungo ang matanda. Tumulo na ang luha.

“Kasalanan ko ang lahat,” sabi nito. “Hindi ko siya masisisi.’’

Natahimik sila.

Maya-maya nagsalita si Tatang Nado.

“Ano ang dapat kong gawin para maibalik ang tiwala?’’

Napangiti si Jo.

“Sumama ka po sa amin sa pagbaba sa kabayanan. Doon po natin ilalatag ang plano kung paano ang ga­gawin mo para maibalik ang pagtitiwala at mabuo ang pamilya.’’

“Sa palagay mo, Jo, ma­ibabalik ang nasirang tiwala.’’

“Kung makakagawa ka po ng kabayanihan, Tatang.’’

“Anong kabayanihan, Jo.’’

“’Yan po ang ating ipaplano. Bukas po ng umaga, bababa tayo at mamumuhay ka sa kabayanan.’’

Kinabukasan, pagsikat ng araw ay naglakad na pababa ng bundok sina Jo. Kasama si Tatang Nado. Sa bahay ni Jo titira ang matanda. Doon nila bubuuin ang plano.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

MAM VIOLETA

NASA MAYNILA

NOIME

PACO CHURCH

PACO MARKET

SA MAYNILA

TATANG NADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with