Mga Kuwentong may Kuwenta
NAHULOG ang isang palaka sa balde na may lamang kalaha-ting gatas. Sinikap niyang lumundag nang lumundag pero hindi siya umaabot sa itaas ng balde. Sa sobrang paglundag, pakiramdam niya ay nanghihina siya pero tinatagan niya ang kanyang loob. Paulit-ulit niyang ibinubulong sa sarili na makakaalis din siya sa baldeng iyon. Dumating ang sandaling nagbuo-buo ang gatas. Ang namumuong gatas ang tinapakan ng palaka para makabuwelo at makalundag ng mas mataas kaysa dati. Success! Nakawala ang palaka sa loob ng balde.
“Never give up!”
* * *
Dumating ang tag-araw at ang tirahan ng magkaibigang palaka ay natuyo. Mas gusto ng mga palaka na manirahan sa mga basang lugar kaya naglakad-lakad sila para maghanap ng bagong tirahan. Nakakita sila ng balon na kakaunti na ang tubig na bumubukal kaya hindi iniigiban ng mga tao. Para sa kanila ay ideal place ito dahil hindi malalim ang tubig. Lulundag na sana ang isa nang pigilan siya ng kaibigan. “Teka muna, sigurado ka bang safe diyan? Wala bang ibang hayop na nakatira diyan?”
Pinag-iisipan nila ang mabuting gawin nang biglang lumitaw mula sa balon ang malaking ahas na handa silang lamunin. Buti na lang at maliksi silang nakalundag palayo sa balon. Nang mahimasmasan, nagsalita ang palakang lulundag na sana kanina sa balon nang hindi nag-iisip—“Salamat friend at pinigilan mo ako kanina.”
“Look before you leap”
* * *
May isang matandang palaka at dalagitang palaka na nagtatalo malapit sa garden ng isang marangyang bahay. Pinagtatalunan ng dalawang palaka kung sino sa kanilang dalawa ang mas maganda. Kulubot! Kulubot! Marami ka nang kulubot! Ito ang sigaw ng dalagitang palaka sa matanda. Sagot ng matanda: “Butete! Butete! Mukhang Butete!” Nagkataong nakita sila ng spoiled brat na anak ng may-ari ng bahay. “Yuuuuccck! Ugly frogs!” Sabay hataw sa dalawang palaka gamit ang golf club. Tumalsik ang dalawang palaka at sa isang iglap ay namatay.
“Beauty is in the eye of the beholder.”
- Latest