^

Punto Mo

Permanente na ba sa balat ang mga nunal?

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

ANG madalas nating napapansin sa ating balat ay ang mga nunal na nasa iba’t ibang bahagi ng katawan. Minsan, kapag hindi natin gusto ang lokasyon ng mga nunal na ito ay naiirita tayo. Gusto nating ipaalis.

Nevi o moles ang tawag sa mga maiitim na nunal na tumutubo sa ating balat. Galing ito sa  “pigment-producing cells” ng balat na tinatawag na “melanocytes.”

Karaniwan nang meron tayong nunal. Halos lahat nang tao ay meron nito. Iba-iba ang sukat nito, iba-iba rin ang dami. May taong maraming nunal, meron namang kakaunti lang. Ang mga nunal ay maaaring flat o nakaumbok, makinis o magalas (na parang kulugo), o may buhok na tumutubo mula rito. Puwedeng brown o dark brown ang nunal, puwedeng kakulay lang ng balat (flesh-colored) o medyo yellow-brown. Yung iba, nagsisimulang kulay pula pero kalaunan ay nagsisimulang mangitim.

Nagsisimulang ma-develop ang nunal sa ating kamusmusan at hanggang sa panahong nagbibinata o nagdadalaga ang isang tao. Pero may mga taong patuloy na tinutubuan ng nunal kahit nagkakaedad na. Sa mga babaing buntis, nangingitim o lumalaki ang ilang nunal dulot na rin ng mga hormonal changes na nagaganap sa kanilang katawan. Kaya hindi dapat mag-aalala ang mga buntis kung may napapansin silang pagbabago sa kanilang mga nunal.

Hindi natatanggal ang mga nunal. Kapag tumubo na, permanente na ito sa balat.

Ang karaniwang concern natin ay kung cancerous ba ang mga nunal. Hindi. Hindi isang uri ng kanser ang nunal. Kaya lang, may posibilidad na mauwi sa kanser ang ilang nunal kung ang tinamaan ng kanser ay ang melanocytes. “Melanoma” ang tawag natin sa kanser sa nunal. Kaya kahit sadyang hindi naman cancerous ang mga nunal, mahalagang bigyang-pansin ang mga ito kapag may nakikita tayong pagbabago rito.

Heto ang ilang pagbabago sa nunal na maaaring babala ng melanoma: 1) Paglaki ng nunal, lalo na kung irregular ang gilid; 2) Pangingitim; 3) Pagdurugo; 4) Parang inflamed o namamaga; 5) Pangangati; 6) Pagbabago ng kulay; at 7) Pangingirot.

Yung mga may higit sa 10-20 nunal ang mas may panganib na magkaroon ng melanoma kumpara sa mga taong kakaunti lang ang nunal. Kung maging cancerous ito, kakailanganing operahan ang naturang nunal kasama na ang balat sa paligid nito.

Pero sa kabuuan, harmless naman ang karamihan sa mga nunal natin. Hindi na kailangan pang ipatanggal unless of course, hindi kayo kumportable rito. Minsan nga, nagsisilbing “beauty marks” ang mga nunal na ito sa mukha. Tingnan n’yo ang nunal nina Lorna T at ni Nora Aunor.

KAYA

LORNA T

MINSAN

NORA AUNOR

NUNAL

PERO

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with