^

Punto Mo

Bagong tuklas na sombrero sa U.S., nagpapatalas daw ng isip

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bagong tuklas na sombrero ng dalawang Amerikanong siyentista ang sinasabing nagpapatalas daw ng isip sa sinumang magsusuot nito.

Ang kakaibang sumbrero ay likha ng psychology professor na si Geoff Woodman at ng PhD student na si Robert Heinhart. Kapwa mula sa Vanderbilt University sa Tennessee ang dalawa.

Ayon sa kanila, gumagana ang kanilang kakaibang sombrero sa pamamagitan ng pagpapadaan dito ng napakahinang boltahe ng kuryente. Ang kur-yente ang magbibigay ng stimulation sa utak at magdudulot    ng mas matalas na pag-iisip at mas mabilis na pagdedesisyon sa nagsusuot ng sombrero.

Nagawa nina Woodman at Heinhart ang kanilang kakaibang sombrero dahil natuklasan nila mula sa kanilang pag-aaral na nag-iiba ang tak­bo ng ating utak kapag tayo ay nagkakamali. Nalaman din nila na maaring makontrol ang takbo ng utak kung padadaluyan ito ng mahinang boltahe ng kuryente. Sa pamamagitan ng bahagyang pagkuryente, magagawang matuto ang ating utak ng mas mabilis mula sa ating mga pagkakamali kaya mas mabilis tayong makakapagdesisyon nang tama sa mga susunod na pagkakataon.

Nasubukan na nina Woodman at Heinhart ang kanilang sombrero sa limang dosenang katao at 75% sa mga ito ay nagpapakita ng mas matalas na pag-iisip matapos gamitin ang kanilang imbensyon.

Hindi pa ipagbebenta ng dalawang siyentista ang kanilang kakaibang sumbrero dahil kailangan pa nilang pag-aralan ang pangmatagalan na epekto nito sa ating mga utak upang masigurado ang kaligtasan ng mga gagamit nito.

 

vuukle comment

AMERIKANONG

AYON

GEOFF WOODMAN

HEINHART

KANILANG

KAPWA

NAGAWA

ROBERT HEINHART

VANDERBILT UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with