^

Punto Mo

EDITORYAL - May sigalot sa liderato ng PNP

Pang-masa

KUNG hindi inilihim kay Acting PNP chief Director General Leonardo Espina ang pagsalakay o paghuli sa teroristang si Marwan, maaaring hindi namatay ang 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF). Kung alam ni Espina, sana ay naging matagumpay pang lalo ang operasyon at walang nalagas sa police commandos.

Kahapon ay inamin ng dating SAF commander Police Director Getulio Napeñas na inilihim nila ang “Operation Exodus” kay Espina. Ang nag-utos daw ay si suspended PNP chief Alan Purisima. Sabi pa ni Napeñas, sabihin na lamang daw kay Espina ang operasyon kapag nasa lugar na pinagkukutaan ng mga terorista. Sabi pa rin ni Napeñas, lagi siyang nakikipag-ugnayan kay Purisima kahit na suspendido ito sapagkat marami itong nalalamang intelligence information kay Marwan. Bukod kay Espina, hindi rin ipinaalam kay DILG Sec. Mar Roxas ang “Operation Exodus”.

Ang mga sinabi ni Napeñas ay tumutugma naman sa mga sinabi ni Espina na nalaman na lamang niya ang operasyon sa mga terorista dakong alas singko ng umaga ng Linggo (Enero 25). At sabi ni Espina, nagbabakbakan na noon ang SAF commandos at mga MILF sa tulong ng BIFF. Hindi raw siya makakilos sapagkat wala siyang alam.

Tugma rin naman sa sinabi ng AFP chief of Staff na wala silang nalaman o huli na nang malaman nila na napalaban ang SAF sa Mamasapano. Handa raw silang tumulong subalit hindi nila alam kung paano at saan sila tutungo. Hindi raw sila dapat sisihin.

May problema sa liderato ng PNP kaya nauwi sa malagim na pangyayari ang operasyon. Kung bakit gustong solohin ng suspendidong PNP chief ang pagsa-lakay sa kuta ng mga terorista ay walang nakaaalam. Maaaring may sigalot sa mga lider ng PNP kaya ganito. Kung hindi maaayos ang sigalot, maaaring marami pang mangyayaring malagim sa hinaharap.

ALAN PURISIMA

DIRECTOR GENERAL LEONARDO ESPINA

ESPINA

KAY

MAR ROXAS

MARWAN

OPERATION EXODUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with