‘Bagong istilo’
SA isang pamilya ang importante ay ang pundasyon ng mga haligi at ang amang sumusukob sa kanyang mga mahal sa buhay para kahit anumang unos ang dumating sa buhay kaya nilang lampasan ito.
Walang pinagkaiba ’yan sa pagpapatayo ng bahay. Maselan ang mga materyales na iyong gagamitin.
Si Johny Pitallar na isang Plant Manager sa Ahnex Group of Companies, Iloilo Branch ang isa sa nagbibigay ng mga hahaluin na lamang (‘ready-mix’). Isa ito sa makabagong paraan sa pagtatayo ng mga tahanan sa kilalang subdibisyon. Isa sa gumagamit ng ‘ready-mix’ ay ang kilalang developer ng malalaking subdibisyon sa Cavite, ang Property Company of Friends (Pro-friends). Mas matibay daw ito dahil akmang-akma sa mga modelong bahay na kanilang ginagawa.
“Ako ang pinaka-unang employee ng Ahnex na nag-start din sa PRO-FRIENDS na magsupply ng ready-mix. Sa totoo lang transient mixer driver ako nun sa Ahnex Builders,” kwento ni Johny. Dagdag pa niya habang tumatagal siya sa kompanya ay tumataas ang kanyang posisyon. Kailangan lang ng dedikasyon para sa pamilya. Marami raw silang sinusuplayan ng ready-mix pero Pro-friends ang kanilang prayoridad. Kapag kompleto na ang kailangan ng Pro-friends saka na sila magsu-supply sa iba. Nais nilang lumaki at makilala ang ready-mix. Isa sa transaksiyon nila sa Pro-friends ay sa Alapan dahil nandoon sa buhay na tubig ang Prima Rosa na unang proyekto nito. Nalipat din daw siya sa Carmona na tumagal siya ng apat na taon sa Carmona plant. Maayos din daw ang kanilang relasyon sa pagtatrabaho dahil nakakausap at nagkakaroon sila ng koordinasyon sa mga namumuno nito. Kapag may problema agad nilang nagagawan ng paraan.
“Sa Pro-friends organisado ang pagtatrabaho. Bago magbuhos may order na para bumili. Sa pagbabayad naman handa na. Nandoon na yung sistema, gagabayan mo na lang,” sabi ni Johny. Ang mission at vision daw ng Ahnex ay mas makilala pa sila. Kung saan man umabot ang Pro-friends dun din sila. Hanggang sa ibang bansa ay nais sana nilang makilala ang kanilang produkto. Nakikita niya na sa susunod na sampung taon ay lalaki na ang pagbabago ng kompanya.
“Taong 2002 nang magsimula ang Ahnex sa Pro-friends. Nagbo-volume kami noon ng mga 100 cubic-meter bawat araw, sampung trak yun. Nung tumagal na kami nagkaroon na ng ibang branch, lumaki na ang kompanya at mga kailangang kagamitan,” salaysay ni Johny.
Noong nakaraang taon lamang ay lumaki na ang dami ng kinukuha sa kanya, umabot na ng 1000 cubic-meter bawat araw. Ayon pa kay Johny maganda ang produkto ng Pro-friends dahil pang-global na ang disenyo ng mga bahay. Isang may-ari naman ng JE Ang Construction na si Jerry Ang, Iloilo Contractor. Finishing naman ang ginagawa nila. Noong nakaraang Nobyembre anim na taon na silang nagseserbisyo sa Pro-friends.
“Dati government contractor ako, tapos nagpribado. Ang mission at vision ko makatulong sa mga tao para maiangat ang buhay nila,” wika ni Jerry. Sa dati niyang pinagtatrabahuhan kakaunti lamang daw ang tao ngunit sa Pro-friends doble. Marami siyang natutulungang tao na magkaroon ng trabaho. Maganda rin daw ang relasyon ng kanilang kompanya at ng Pro-friends dahil ang integridad ay kaugalian, kung kanyang ikukumpara niya sa dati niyang mga nakatrabaho.
‘Creating communities and transforming lives’ ang mission at vision ng Pro-friends. Nakatulong ito para mas tumaas ang kanyang moral bilang kontraktor dahil may kakilala siya na bumili ng bahay na pwede mong sabihin na “Yung bahay mo, kami may gawa n’yan.”
Isang Homeowner sa Lancaster New City sa Cavite ang nagbahagi rin ng kanyang karanasan. Si Jasper Bryan Rocha na nagsimulang manirahan sa Pandacan, Manila ng dalawang taon. Nakita nila ang ad sa Sulit.com tungkol sa Lancaster. Sa dami din ng mga nakapaskil sa bus at ilan pang lugar sumama sila sa mga titingin ng bahay dito.
“Pang-apat o pang lima ang unit ko na tumira dito. Maayos ang samahan naming magkakapit-bahay. Pati mga kailangan namin sinasabi namin sa Pro-friends at inaaksiyunan nila,” dagdag ni Jasper.
Nais din nilang maging mas maganda ang kanilang komunidad at maging malapit sa isa’t-isa kaya’t tuwing may okasyon ay nagkakaroon sila ng pagtitipon. Pati nung nagdaang Pasko ay sabay nilang sinalubong ang Bagong Taon at sabay na binilang ang mga segundo na papalapit na ang saktong alas-dose ng hatinggabi. Pagkakapwa tao din ang pinakasentro ng kanilang komunidad. Hindi lamang sa kanilang mga kapitbahay kundi maging sa kanyang pamilya. At ganun din sa mga nagpapatakbo ng village. Tubong Quezon Province si Jasper at ang pagtira sa Maynila ay naging mahirap para sa kanila. Mas nagustuhan niya daw ang paglipat nila sa Cavite sapagkat tahimik ang lugar. Nakakapaglaro ang kanyang mga anak nang hindi sila nangangamba na may mangyayaring masama sa mga ito dahil may mga bantay ang lahat ng pasukan at labasan papunta sa kanilang mga tahanan. “May dalawang condo ako sa Manila pero nagpasya kaming dito sa Cavite tumira. Kulang sa isang oras ang biyahe ko papuntang trabaho, sanay na din ako,” pahayag ni Jasper.
Mensahe niya din sa mga gustong bumili ng bahay ng Pro-friends. Ang pamilya niya ay masaya kung nasaan sila ngayon. Kunin na daw nila ang pagkakataong tulad nito na maging parte ng komunidad na may maraming libangan. Ang kompletong komunidad, mahigpit na seguridad at maayos na kapaligiran ay ang unang iniisip sa pagbili ng bahay. Ito ay panghabang buhay na nating pag-aari at pagdating ng panahon ay maaring iwan sa ating mga anak.
Ugaliing makinig sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn).
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor City State Centre Bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
- Latest