^

Punto Mo

Manong Wen (187)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PATULOY sa pagtakbo sina Princess at Precious. Kalsada ang kanilang hinahanap para makahingi ng saklolo sa mga nagdaraang sasakyan.

Hirap na hirap na si Precious. Humihingal ito. Naliligo na sa pawis.

“Ate, hindi ko na yata kaya, haaah!’’

“Kaunting tiis pa Precious. Hindi tayo dapat tumigil dahil sinusundan tayo ng mga kidnaper. Palagay ko, tutuluyan na nila tayo kapag naabutan. Kung ang kasamahan ay pinatay nila, tayo pa kaya? Huwag tayong titigil sa pagtakbo.’’

“Pero Ate, hindi ko na kaya? Balikan mo na lang kaya ako kapag nakahingi ka ng tulong.”

“Hindi puwede! Hindi kita maaaring iwan dito.’’

“Magtatago ako sa mga damo para hindi makita ng mga kidnapper. Siguro naman, may awa ang Diyos at hindi ako makikita ng mga hayop!’’

Natigilan si Princess. Kung iiwan niya si Precious baka masama ang mangyari rito. Delikado.

“Hindi kita puwedeng iwan, Precious. Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan. Kaysa umalis ako at iwan ka, haharapin ko na lang ang mga hayop. Marami naman akong makukuhang kahoy na pang-arnis. Lalabanan ko sila. Kung nilabanan ko ang mga kid­napper sa Maynila, kaya ko ring lumaban ngayon.’’

“Ate baka ma­pahamak ka! Baril ang kalaban mo.’’

“Hindi! Kaya ko sila!”

Hanggang sa makari­nig sila ng ingay. May nag-uusap at may mga yabag.

“Ssssh, huwag kang kikilos, Precious. Palagay ko paparating na ang mga hayop!”

Lumarawan sa mukha ni Precious ang takot.

Nang mga sandali namang iyon ay tumatakbo ang SUV ni Mam Diana. Alalang-alala si Mam Diana sa dalawang anak.

“Diyos ko, nasaan na kaya ang mga anak ko Diego?’’

“Huwag kang mag-alala Mam Diana, relaks ka lang po,” sabi ng drayber na si Diego­. Nakasuksok sa baywang niya ang kal. 45 na kinuha niya sa tabi ng bangkay ng kidnaper.

“Paanong gagawin natin­?’’

“Dito po tayo mag-abang Mam Diana.’’

“Dito sa kalsadang ito?”

“Opo!”

(Itutuloy)

DITO

DIYOS

HUWAG

KAYA

MAM DIANA

PALAGAY

PERO ATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with