^

Punto Mo

Ang Lyrics ng Kanta

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MATANDANG dalaga si Martha. Nag-iisa siyang namumuhay sa condominium na tinitirhan. Sa edad na 40 ay hindi niya naranasan man lang na magka-boyfriend. Paano, siya ang naging abala sa pag-aalaga sa inang maysakit. Namatay ang inang magsakit isang taon na ang nakararaan kaya mag-isa na lang siyang namumuhay. Naidalangin niya minsan na sana ay magkaasawa siya. Nalulungkot siya sa kanyang pag-iisa.

Isang gabi ay nagkaroon ng brown out. Isa ito sa problema ni Martha. Duwag siya sa dilim. Upang matanggal ang takot ay bumunghalit siya ng isang kantang natutuhan pa niya noong high school sa kanyang music teacher.

“When you walk through the storm, hold your head up high and don’t be afraid of the dark.”

Alam niyang may maganda siyang boses. Kaya itinodo pa niya ang volume ng kanyang boses.

“Hold your head up high and you’ll never walk alone. Walk on, walk on with hope in your heart and you’ll never walk alone.”

Kinabukasan ay may kumatok sa kanyang pinto. Isang lalaking maputi, matangkad, mapungay ang mata, matangos ang ilong at may magandang ngiti ang bumungad sa kanya. Sa tantiya niya’y hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa.

“Hi, good morning. Bagong lipat lang ako diyan sa katabi mong unit. Nagandahan ako sa boses at kinanta ng babaing nakatira diyan sa inyo. Puwede ko ba siyang kausapin?”

“Ako ‘yung kumanta. Bakit?”

“Puwede ko bang makuha ang kumpletong lyrics ng iyong kinanta kagabi? Maganda. Nakaka-inspired.”

“A, okey. Ita-type ko lang. Ibibigay ko sa iyo mamaya.”

“Baka puwedeng maimbitahan ko ang husband mo dito sa aking unit. Inuman…kuwentuhan.”

“I’m still single.”

“Oh…pareho pala tayo…by the way I’m Rad,” iniabot ang kamay kay Martha.

Iyon ang simula.May banayad na humaplos sa puso ni Martha nang magdaop ang palad nila ni Rad.

ALAM

BAKIT

DUWAG

IBIBIGAY

INUMAN

ISA

ISANG

IYON

PUWEDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with