Life’s Little Instruction
Mamuri ng tatlong tao sa isang araw.
Panoorin ang pagbukang liwayway at least once a year.
Tandaan ang birthday ng mga kaibigan.
Huwag mong babanggitin na ikaw ay “on a diet”.
Ugaliing ikaw ang maunang mag-hello.
Laging pakintabin ang sapatos na isusuot.
Mag-floss ng ngipin.
Magtanim ng puno tuwing sasapit ang iyong birthday.
Kapag may batang naglalako ng bawang at sibuyas sa palengke, sa kanila ka bumili sa halip na bumili sa may permanenteng puwesto sa palengke.
Umusal ng pasasalamat sa Diyos pagkatapos kumain.
Iwasang magbabad sa ilalim ng araw lalo na ang mga kayumangging trying hard sa pagpapaputi. Bukod sa health reason, maraming uubusing whitening lotion bago bumalik ang dating kulay. Sayang ang pera.
Praise in public, criticize in private.
Huwag mag-major ng minor things. Ibig sabihin magpakadalubhasa sa malalaking gawain at huwag sa maliliit na bagay.
Kung medyo nakakaluwag, ibigay na lang sa mga basurero ng inyong lugar ang naipong mga plastic bottles o mga sirang plastic wares.
Huwag mong hayaang makita ka ng ibang tao na lasing at pasuring-suring na naglalakad sa kalye. (Itutuloy)
- Latest