^

Punto Mo

Senador, ‘under’ ni Misis

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

Happy New Year to All!

* * *

FLASH Report: Sinamantala ng mga operators ng peryahan sa Libertad St., Pilapil St., at palengke ng Pasay City ang pagpalit ng station com­mander ng pulisya ng siyudad para makapagbukas ng color games. Ang mga peryahan ay sakop ng PCP 4 sa liderato ng policewoman na si Sr. Insp. Terte. Si Sr. Supt. Melchor Reyes kasi ay natanggal sa puwesto dahil kasama siya sa mga opisyales ng PNP na sinuspendi ng Ombudsman. Dapat ipasara ng bagong upo na hepe na si Sr. Supt. Sidney Hernia ang mga color games ng mga nasabing peryahan bago siya tamaan ng kidlat ni NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria.

* * *

Imbes na magiging masaya nitong Kapaskuhan, kalungkutan ang bumalot sa mga empleado ng isang senador, na may balak pa namang tumakbo bilang presidente sa 2016. Kasi nga, hindi maarok ng mga empleado ni Sir kung sa pagsapit ng Bagong Taon ay may trabaho pa sila. Ang mga empleado kasi ay inutusan ni Misis na mag-submit ng kani-kanilang courtesy resignation noon pang mga unang linggo ng Disyembre kaya marami sa kanila ang inabot ng kalungkutan imbes na kasayahan nitong Pasko. At walang kibo lang si Senador sa ginagawa ng Misis n’ya. Boom Panes! Ibig bang sabihin nito kapag naging Presidente na si Sir ay palaging may Cabinet reshuffle kapag tinoyo si Misis? Hehehe! Maraming boto rin ang mawawala  kay Sir sa pangyayaring ito, di ba mga kosa?

Kung sabagay, hindi lang ngayon ginawa ‘yan ni Misis. Noong mga nakaraang taon, nag-courtesy resignation din ang mga empleado ni Sir subalit ‘yaon ay sa buwan ng Marso o Abril. Kaya naman siguro ginagawa ito ni Misis ay para siguraduhin na ‘the best and brightest’ ang magiging staff ni Senador, di ba mga kosa? Siguro wala lang sa tiyempo ang ginawa ni Misis kaya’t dinamdam ito ng mga empleado ni Sir? Ang masama lang nito, masyadong nakikialam si Misis sa opisina ni Sir na ang imahe na ni Senador ang masisira. Baka kasi sabihin ng mga botante na “under’ si Sir ni Misis, di ba mga kosa? Boom Panes!

Ang balita pa ng mga kosa ko halos me 20 empleado na si Sir na nag-resign mula nang maupo ang Senador at maaaring madagdagan pa ito kapag patuloy ang pakikialam ni Misis. Kung sabagay, sino ba ang may gustong mawalan ng trabaho, lalo na kung ikaw ang breadwinner ng pamilya? Siguro ang solution dyan para di ka mawalan ng trabaho ay magsipsip ka ke Misis. Hehehe! Ano ba ‘yan?

Sinabi naman ng mga kakilala ni Misis na mabait ito. Tiyak maganda ang layunin ni Misis sa hinihingi niyang courtesy resignation subalit hindi abot ng mga empleado ang gusto niyang mangyari. Kulang lang kaya siya sa communication?

Dito pala sa opisina ni Senador ay may parallel office si Misis. Kung may media group si Senador, si Misis naman ay may communication center. Kung may political officer si Senador meron ding political staff si Misis. Saan kumukuha ng budget sa suweldo ng staff n’ya si Misis? ‘Yan ang tanong!

Sino si Senador? Abangan!

BAGONG TAON

BOOM PANES

CARMELO VALMORIA

EMPLEADO

HAPPY NEW YEAR

MISIS

SENADOR

SIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with