‘Bagong simula’
MANIGO at MASAGANANG bagong taon sa ating lahat!
Nagdaan na naman ang isang taon nating sama-samang pagtulong at pakikiramay sa problema ng ating mga kababayan.
Sa pagsisimula ng taong ito samahan ninyo kami na matulungan ang lahat ng lumalapit sa aming tanggapan, malaki man o maliit na problemang bumabagabag sa kanila.
‘Ang Hustisya ay hindi lamang para sa mayaman at makapangyarihan. Ang Hustisya ay Para sa Lahat!’
Ito ang paulit-ulit naming sinasabi sa lahat ng tagasubaybay ng programang ‘CALVENTO FILES’ sa Radyo ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882 KHZ. Tuwing Lunes hanggang Biyernes 2:30-4:00 ng hapon. At 11:00 umaga- 12:00 ng tanghali naman tuwing Sabado.
Ngayong taon ay nadagdagan kami ng kalahating oras sa aming programa kaya’t mas mahaba ang ating talakayan at pagtulong sa mga lumalapit. Sa bawat araw iba’t-ibang suliranin ang idinudulog sa amin at ang ilan pa ay nasa malalayong lugar na talagang salat sa kaalaman pagdating sa batas natin sa Pinas. Nakahanda kaming umagapay sa kanila sapagkat naniniwala kaming ang taong salat sa kayamanan ay dapat mas nakaririwasa sa batas.
Nais din naming kunin ang pagkakataong ito upang pasalamatan kayong lahat sa patuloy ninyong pagtangkilik lalong-lalo na sa pagtitiwalang ibinibigay ninyo sa ’min. Maging ang kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFW’s) ay nakikinig din at nanonood ng ‘live’ sa ating programa sa pamamagitan ng U-Stream, isulat lamang ang WWW.DWIZ882.COM.
Sila ang tinaguriang mga bagong bayani na nagdadala ng pera (remittances) dito sa Pilipinas kaya’t hindi natin gaanong nararamdaman ang pandaigdigang krisis. Karamihan sa mga lumapit sa aming tanggapan ay ang pamilya ng kababayan nating OFW’s na hindi pinapasahod, sinasaktan o ang ilan ay hirap sa trabaho.
Si Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA) katuwang ang mga Ambassadors, Consul Generals, Consuls at kawani ng ating embahada (Philippine Embassy) ang nilalapitan namin para aksiyonan ang kanilang mga problema. Binibisita nila ang kinaroroonan ng mga nasabing OFW’s upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
Nitong nagdaang taon, napakaraming kababayan nating napauwi ng DFA dahil hindi makatarungang pagtrato ng kanilang mga employer. Kabilang din sa tumutulong sa atin para mabawi ang mga pasaporte ng ating mga kababayan mula sa ahensiya ay si Asec. Wilfredo Santos ng DFA, Consular Affairs. Handa namang gumabay ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa pangunguna ni Administrator Hans Leo Cacdac kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) hinggil sa pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya.
Ang mga manggagawa namang hindi naaayon sa batas ang trato ng kanilang mga amo, nariyan ang National Labor Relations Commission sa pamumuno ni Chairman Gerardo Nograles upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
Hindi lahat ng ating kababayang may reklamong kinakaharap ay kayang magbayad ng abogadong magtatanggol sa kanila kaya’t nakahanda ang Public Attorney’s Office (PAO) upang sila’y ipaglaban. Handa ring magbigay ng kanilang tulong at gabay ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa pangunguna nina Atty. Alice Vidal, Atty. Marissa Manalo at iba pang mga miyembro ng IBP.
Araw-araw ding handang tumulong at magbigay ng kanyang opinyon si Prosecutor Romy Galvez at ang Department of Justice Action Center (DOJAC) na pinangungunahan ni Director Perla Duque.
Nagpapasalamat din kami sa Department of Justice (DOJ) kay Secretary Leila De Lima at kay Prosecutor General Claro Arellano.
Sa mga biktima ng krimen at patuloy ang paghahanap ng hustisya at naghahangad na mahuli ang mga salarin, ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pamumuno ni Director Benjamin ‘Benjie’ Magalong at sa kanyang Deputy Chief for Operations na si PSSupt. Rudy Lacadin.
Ganun din kay Director Virgilio Meneses, Deputy Director Edmund Arugay at sa mga hepe at NBI-Agents na umaaksyon sa aming mga referrals.
Tulung-tulong naman ang lahat ng Regional Directors, Provincial Directors, Chief of Police at ang Officer-In-Charge Deputy Director General Leonardo A. Espina sa paghuli sa mga kriminal na nagkalat sa lipunan.
Ang Social Security System (SSS) sa tulong nina Ms. Mae Rose Francisco ang head ng Media Affairs Department-SSS Main Office at Ms. Lilibeth Suralvo ay walang sawang tumutulong sa ating mga kababayang nagkakaroon ng problema sa kanilang mga benepisyo. Nais din naming magpasalamat sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) sa pamumuno ni Administrator Lt. Gen Ernesto G. Carolina AFP (Ret) dahil sa tulong nila sa ating ma beterano sa kanilang mga pensiyon.
Kung usapin tungkol sa Lupa, mana ng lupa, paglilipat ng titulo at pagsasanla nakahanda naman ang opisina ng Land Registration Authority (LRA) sa tulong ni Atty. Eulalio Diaz III, Administrator at ang kanyang Exec. Asst. na si Aileen Coritana upang maipaliwanag sa kanila ang mga nararapat na hakbang na dapat gawin.
Sa pagtatapos ng taong ito, hindi ibig sabihin na hihinto na kami sa pakikinig sa inyong mga hinaing at maglahad ng aming mga palad upang kayo’y matulungan. Ito’y bagong simula sa pagpapatuloy ng aming adbokasiya.
Gaya ng kasabihan na ‘you save the best for the last’ sobra-sobra ang pasasalamat namin sa Philippine Charity Sweepstakes Office, kay Chairman-OIC at General Manager Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II ng programang ‘Pusong Pinoy’ para sa mga pangangailang medical at pinansyal assistance ng mga pasyenteng lumalapit sa amin. Hindi kami namimili ng aming tutulungan. Maliit man o malaki ang inilalapit ninyo. Higit sa lahat, salamat sa mga walang pagod na umaasikaso (dahil hindi ko kakayaning nag-iisa) sina Monique Cristobal, Chen Sarigumba at I-gie Malixi Bayucot.
Ang “CALVENTO FILES” mula nung ‘Hotline sa Trese’ sa Channel 13, Tony Calvento on TV sa Channel 5 at pagkatapos sa Calvento Files sa Channel 2. Sa mga ‘tabloids’ n a nagsimula nung 1990, ang nauna sa ganitong klase ng ‘public service’. Tumagal kami ng ganito dahil sa tulad ninyo na tumatangkilik sa amin.
(KINALAP NG REPORTORIAL TEAM NG CALVENTO FILES)
Making ng programang “CALVENTO FILES” sa radio “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn).
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.
- Latest




















