^

Punto Mo

Dalangin kay San Bartolome

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG madalas ipinipintas sa  Katoliko ay ang pagsamba raw nila sa mga santo. Bakit kailangan pa ang santo kung puwede naman dumiretso sa Diyos?

Isa si San Bartolome sa 12 apostoles ng Panginoong Hesukristo. Akala ko’y mandirigma siya kaya ang kanyang estatuwa ay may hawak na itak. Hindi pala. Si San Bartolome ay dumanas ng isang nakapangingilabot na torture noong siya’y naging misyonaryo sa India. Binalatan siya nang buhay at saka pinugutan ng ulo. Hindi pala itak ang kanyang hawak kundi kutsilyo na ginamit noong siya’y binalatan nang buhay. Ang kutsilyong hawak niya ay simbolo ng kanyang martyrdom.

Lahat ng mga santo ay gumawa ng pagpapakasakit para sa Panginoong Diyos kaya kapag sila ang humiling ay hindi makatanggi ang Diyos. Aprub kaagad sa Kanya ang hinihiling ng mga santo. Kaya mga santo ang ginagawang tulay ng mga Katoliko para sa kanilang mga kahilingan sa buhay. Two heads are better than one. Mas nakatitiyak na pagbibigyan ng Diyos ang isang nanalangin kung may isang santong katulong sa pagdalangin.

Uso pa ba ngayon ang “pagpapakasakit”? Hindi na. Pero “pananakit” usong-uso sa mga pulitiko. Sa kanilang pagbaba­tuhan ng mga akusasyon upang maitaas ang kani-kanilang mga sarili, mga mamamayang Pilipino ang naiipit. Taong bayan ang napapabayaan dahil abala ang mga pulitikong ito sa pagkalkal ng dumi na ipupukol sa isa’t isa.

“Mahal na San Bartolome, bigyan mo ang ibang pulitiko ng kahit kaunting konsensiya. Maawa nawa sila sa Inang Bayang nagdudusa. Maaari bang hiramin, kutsilyo mong hawak? Para ipangkaskas sa makapal na mukha nila. Amen.”

APRUB

DIYOS

INANG BAYANG

KATOLIKO

PANGINOONG DIYOS

PANGINOONG HESUKRISTO

SAN BARTOLOME

SI SAN BARTOLOME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with