^

Punto Mo

Kung Nalulungkot Ka…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SUBUKAN mo ang mga sumusunod para manumbalik ang iyong sigla:

  • Buklatin ang mga lumang litrato. Napatunayan ng isang pag-aaral sa United Kingdom Open University, mataas ang pagbabago ng mood ng isang tao kapag binuklat niya ang lumang photos ng pamilya kaysa ngumuya ng chocolate o makinig ng kanta o tugtugan.
  • Kumain ng mani o anumang nuts. Nagtataglay ang nuts ng omega-3 fats na humahadlang para makaramdam ka ng depresyon.
  • Gumamit ng orange or lavender scent para kumalma ang kalooban.
  • Maglakad sa umaga kung kailan hindi pa masakit sa balat ang sinag ng araw. Ayon sa ilang pag-aaral na isinagawa ni Dr. Kripke, MD ng University of California San Diego, ang taong madalas maarawan sa umaga ay mas ma­himbing matulog at hindi tinatablan ng depresyon.
  • Ilista ang mga simpleng bagay na nagbigay sa iyo ng kagalakan sa puso. Halimbawa: Paglalakad ninyong mag-asawa sa mall na magka-holding hands. Maya-maya ay bigla niyang kukurutin ng pinong-pino ang iyong palad. Ikaw naman na may kaunting kaartehan ay mapapapitlag at mapapa-aray. Bubulungan ka ng iyong mister ng—Kung maka-aray…akala mo ‘virgin’. Tapos magkasabay kayong maghahagikgikan.
  • Ayon sa mga psychologists ng University of California Riverside, ang pagsusulat at pag-alala sa mga nakaraang pangyayari na nakapagpasaya sa iyo anakakadagdag ng energy, nakakatanggal ng sakit ng kalooban at pagod.
  • Tumawa.
  • Mag-shopping.
  • Mag-meditate.
  • Manalangin.

vuukle comment

AYON

BUBULUNGAN

BUKLATIN

DR. KRIPKE

GUMAMIT

HALIMBAWA

UNITED KINGDOM OPEN UNIVERSITY

UNIVERSITY OF CALIFORNIA RIVERSIDE

UNIVERSITY OF CALIFORNIA SAN DIEGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with