^

Punto Mo

Manong Wen (135)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAGO kita patayin, puwede bang magpakilala ka muna? Para malaman ko ang ilalagay na pangalan sa lapida,’’ sabi ni Chester kay Jo.

‘‘Hindi na kailangan, Chester. Dahil pagkatapos ng paghaharap nating ito, siguradong ikaw ang mauuna sa impiyerno.’’

“Putang ina mo, ano akala mo sa akin, demonyo?’’

“Higit ka pa sa demonyo Chester!’’

“Talaga bang ginagalit mo ako? Talaga bang gusto mong magpakabayani o gusto mong pagpasikat kay Princess. Baka naman siyota mo na Princess? Kung magsiyota kayo, ikaw ang makakatikim sa bibingka niya kung ganoon. Sayang, muntik ko nang matikman ang bibingka niya kaya lang masyadong pakipot. Ayaw bumigay. Pero malas mo rin dahil hindi mo matitikman ang bibingka ni Princess. Ang matitikman mo ay ang lupit ni Chester…’’

“Marami kang ngakngak Chester. Hindi ako sanay sa makatsang na kalaban.’’

Napahiya si Chester.

“Sige, umpisahan na natin. Pero baka naman gusto mong tumakbo para mailigtas ang sarili, may pagkakataon ka pa. Bibilang uli ako hanggang tatlo. Isa…dalawa… tatlo!’’

Hindi kumilos si Jo. Humanda siya. Hinigpitan ang paghawak sa arnis na metal. Hindi biro ang kalaban niya. Masahol pa sa demonyo ang taong ito.

Hinubad ni Chester ang pang-itaas na damit. Nalantad ang malaki at matipunong katawan. Parang mga “bato” ang nasa tiyan.

Pero hindi nasindak si Jo. Titingnan niya ang tigas ng mga “bato” ni Chester sa kanyang arnis na metal.

Hanggang sa isang iglap, dinaluhong siya ni Chester. Mabilis ang pangyayari! Sinuwag siya! Ilandang siya sa sulok! Bumangga ang kanyang likod sa semento. Pero hindi niya binitiwan ang kanyang arnis. Malakas pala ang demonyo!

Samantala, nang mga sandali namang iyon ay hinabol na ng mga tauhan ni Chester sina Princess at ang mga dalagita.

“Bilis pa! Malapit na tayo sa pintuan ng store. Makakatakas na tayo!”’ sabi ni Princess.

‘‘Gaano pa po kalayo, Ate Princess?’’ tanong ng isang dalagita.

“Isang palapag na lang. Malapit na malapit na!’’

‘‘Palagay ko po nasundan na tayo ng mga tauhan ng demonyong si Chester.’’

“Sige huwag kayong ma­walan ng pag-asa. Makakatakas tayo.’’

“Salamat po Ate Princess, utang namin sa iyo ang lahat.’’

Binilisan pa nila ang pag-akyat. Inihanda na ni Princess ang susi ng pinto. Iyon ang mahalaga sa lahat. Kapag narating nila ang pinto, tiyak na ang kaligtasan nila. Nailigtas niya ang mga dalagita sa kamay ni Chester.

Hanggang sa makarating sila sa pinto. Masayang-masaya ang mga dalagita.

Inilabas ni Princess ang susi. Tense na tense ang mga dalagita habang sinususian niya ang pinto.

Ipinasok niya ang susi. Pumasok. Pinihit. Sumusunod naman pero ayaw mabuksan. Sinubukang itulak. Ayaw mabuksan!

(Itutuloy)

ATE PRINCESS

AYAW

CHESTER

HANGGANG

NIYA

PERO

PRINCESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with