^

Punto Mo

EDITORYAL – Paano naman ang iba pang gumasta nang sobra-sobra?

Pang-masa

SI dating Laguna governor ER Ejercito ang sina­sabing unang nasampolan ng Commission on Elections (Comelec) sa mga pulitikong gumasta nang malaki sa election. Pinatalsik si Ejercito noong nakaraang taon. Ayon sa Comelec, gumastos si Ejercito ng P23 milyon gayung ang pinapayagan lamang gastusin nang bawat kandidato ay P4.5 million o P3 bawat botante.

Noong nakaraang linggo, naging pinal na ang desisyon kay Ejercito sapagkat ibinasura ng Supreme Court ang kanyang petisyon. Namayani ang botong 12-0 para lubusang alisin sa puwesto si Ejercito.

Nang malaman ni Ejercito ang desisyon ng SC, wala raw umano siyang magagawa kundi sundin ito. Sabi ni Ejercito, muli siyang kakandidatong governor sa 2016 elections sa Laguna.

Sa pagkakaalis kay Ejercito dahil sa sobrang paggastos, maaaring magkaroon na ng aral ang mga puli­tiko na huwag gumastos nang malaki at sumunod sa tinatadhana ng batas ukol sa elections. Hindi parehas ang kandidatong gumagamit ng sobra-sobrang pera para manalo sa elections.

Subalit dapat din namang batikusin ang Comelec sa mabagal na aksiyon sa pagpapatalsik sa iba pang kandidatong gumastos nang malaki. Isang taon na ang nakalilipas subalit iilan pa lamang ang mga kandidatong napapatalsik sa puwesto. Imagine ang kaso ni Ejercito ay noon pang 2010 at 2013 lang siya naalis sa puwesto. Paano ang mga nag-overspent noong 2013 elections?

Bilisan sana ng Comelec ang pagpapaalis sa mga pulitikong gumastos nang malaki at huwag piliin lamang­ ang gustong paalisin. Dapat walang kini­kilingan. Patalsikin ang mga lumabag sa election code para hindi maparatangang may kinakampihan. Ipatupad kung ano ang naaayon at nakatadhana sa batas. Mawawalan ng kredibilidad ang election body kung maraming lumabag­ pero hindi naman napaparusahan o napapaalis sa puwesto.

AYON

BILISAN

COMELEC

DAPAT

EJERCITO

IPATUPAD

ISANG

MAWAWALAN

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with