^

Punto Mo

EDITORYAL – Hanggang kalian maghihintay?

Pang-masa

GINUNITA noong Linggo ang ika-limang anibersaryo ng pinakamalagim na massacre sa kasaysayan na may kaugnayan sa election. Limang taon na pero nauuhaw pa rin sa hustisya ang mga naulila ng biktima. Nobyembre 23, 2009 nagwakas ang buhay ng 58 katao (32 rito ay mga miyembro ng media). Patungo sa Ampatuan, Maguindanao ang convoy na kinabi­bilangan ng asawa, kaanak, supporters ng kandidatong si Ismael Mangudadatu para mag-file ng kandidatura sa pagka-governor, subalit hinarang sila ng may 100 armadong kalalakihan at walang awang pinagbabaril. Matapos matiyak na patay na lahat ang nasa convoy, inilibing ito sa nakahandang malalim na hukay.

Sinampahan ng kaso ang Ampatuan clan (nasa 15 sila) at 182 iba pa dahil sa pagpatay. Kasalukuyan silang nakakulong at dinidinig ang kaso.

Kung kailan matatapos ang kaso at matitikman ng mga naulila ang hustisya, ito ang malaking katanungan sa kasalukuyan. Marami sa mga kaanak ng biktima ang nawawalan ng pag-asa na makakamtan ang hustisya. Ayon sa mga legal expert, aabutin nang mahabang panahon bago magkaroon ng desisyon ang kaso. Maraming taon pa umano ang bibilangin bago ganap na makita ang liwanag sa kasong ito.

Nirereklamo ang usad pagong na pagdinig sa kaso. May nag-aakusang “nababayaran” daw ang prose­cutors. Nirereklamo rin ang pagbabawal sa mga mamamahayag na masaksihan ang paglilitis.

At ang isang pangamba ng mga naulila, unti-unting pinapatay ang mga testigo sa karumal-dumal na krimen.­ Noong Martes, pinagbabaril ang dalawang testigo sa Shariff Aguak habang nakasakay sa motorsiklo. Namatay ang isa at malubang nasugatan ang kasama. Ayon sa mga testigo, maaaring kakilala ng mga biktima ang nang-ambus.

Hanggang kailan maghihintay ang mga naulila ng massacre? Sana bago maubos ang mga testigo ay magkaroon ng katarungan ang malagim na pagpatay. Madaliin naman sana ang paglilitis upang hindi ma­walan ng pag-asa ang mga kaanak ng naulila.

AMPATUAN

AYON

HANGGANG

ISMAEL MANGUDADATU

KASALUKUYAN

NIREREKLAMO

NOONG MARTES

SHARIFF AGUAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with