^

Punto Mo

‘Bulsa service’

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI public service ang nasa isipan ng mga pulis sa Office of Internal Security (OIS) ni DILG Sec. Mar Roxas kundi “bulsa” service. Putok kasi sa kalye na sinabihan na ni Roxas ang OIS ni Supt. Johnny Ormi na ‘wag na manghuli ng mga illegal o mag-Oplan Pagpapakilala dahil ang tsansa nito sa darating na 2016 elections ang naapektuhan. Subalit matigas talaga ang ulo ni Ormi at nanghihinayang sa lingguhang tatanggapin niya mula sa illegal. Pilit na itinatago ni Ormi ang kabuktutan niya kay Roxas, subalit sa panahon ngayon ng hi-text communication equipment, may maitatago pa ba sa sambayanan? Wala, di ba mga kosa? Kaya’t imbes na manghuli, ang ginagawa sa ngayon ni Ormi ay tinatawagan na lang ang players at iniutos na i-deposit na lang ang lingguhang intelihensiya nila sa pangalan ni Emmanuel Lacatan sa Banco de Oro (BDO) account No. 004710315917. Boom Panes!

Kung nais ni Roxas na malaman ang katotohanan, aba mag-coordinate lang siya sa BDO at may ebidensiya na siya kay Ormi at mga bataan niya, di ba mga kosa? At ang pinakamasaklap pa, hindi lang OIS ang kinokolekta ni Ormi kundi maging ang Special Projects Group (SPG) at ang Team. Tatlo na ang butas ni Roxas. Hehehe! Ano ba ‘yan?

Kung tutuusin mga kosa, wala namang pakialam sa ambisyon ni Roxas na maging presidente ang mga pulis na kinuha ni Chief Supt. Danilo Pelisco, ang special police assistant ng DILG. Kasi nga halos tatlong buwan na sila sa puwesto subalit may nabalitaan na ba kayo na may nahuli silang wanted persons, mga bigtime criminal at drug pushers? Wala! Maliwanag pa sa sikat ng buwan na illegal gambling lang ang kaya nila. Boom Panes! Kung sabagay, mga taga-MPD at Maritime Group ang tropa na kinuha ni Pelisco at mukhang naglalaway silang maging milyonaryo sa pagiging detach service nila sa DILG, di ba mga kosa? Tiyak ‘yun!

Teka nga pala, kahit late na ito, dapat makarating kay Roxas. Noong Nobyembre 2, mga alas tres ng hapon, dumapo ang armadong kalalakihan sa puesto piho na pergalan ni Tessie Rosales sa palengke ng Silang, Cavite. Nagpakilala ang lider ng tropa na si Noel Sumagaysay na taga-OIS sila. Subalit nagpulasan ang tropa ni Sumagaysay nang tumawag si Aleng Tessie sa mga pulis Silang na naka-payroll sa kanya na nagresponde naman, hehehe! Mabilis sumunod sa utos ng mga ilegalista. Boom Panes!

Kung hindi na makapang-raid ang tropa ni Ormi, paano sila makagaganti kay Aleng Tessie na bagyo sa kumareng si Batangas Gov. Vilma Santos. Heto ang mga puwesto ni Aleng Tessie sa Batangas, sa San Carlos ng Lipa, malapit sa munisipyo ng Mataas na Kahoy, Balagbag ng Lipa, sa Batangas City, at paradahan ng Dagatan, at sa Laurel. Ang kay Francia naman ay sa Bangcoro, Taal; sa Ilaya, Lemery ang kay Twinkle; Denden sa Coral na Monte sa Agoncillo; Barbara sa Subic, Agoncillo; Francia sa Tulo ng Taal; Juvy sa Inicbulan ng Bauan; Alice Gulod ng Laurel; Tina sa Mainaga ng Bauan;  Ivy sa Sabang ng Lipa; Jun-Jun sa Nasugbo; Boknoy sa Tanauan City; Yolly sa Bgy. Bugtong ng Lipa, at Vines sa Niyugan ng Balayan. Busog ang bulsa ni Sr. Supt. Jireh Omega Fidel ang PD ng Batangas dito!

Si Tony Villa-kuwarta…este Villacorta naman ay patuloy ang tong collection gamit ang pangalan ni CIDG chief Dir. Benjie Magalong. Ipinamalita pa ni Villacorta na ang nakolekta niyang intelihensiya ay hindi naman kay Magalong napupunta kundi sa asawa ng tonggressman na nagpuwesto sa kanya sa CIDG. Patay si Dir. Magalong dito sa tinuran ni Villacorta! Abangan!

AGONCILLO

ALENG TESSIE

ALICE GULOD

BATANGAS

BOOM PANES

ORMI

ROXAS

VILLACORTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with