^

Punto Mo

Ang Ugaling Matulungin

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOON ay 7:30 ng gabi, October 22, 2014. Isang lalaking pagod na pagod mula sa trabaho ang naglalakad sa kahabaan ng  Huangzhaicun Road, ng Yiwu, Zhejiang province, China. Malayo pa ang kanilang bahay ngunit sa kung anong dahilan ay nagkaroon ng matinding trapik sa kalsadang dadaanan sana ng bus na sinasakyan niya. Gusto na niyang makauwi kaya bumaba siya ng bus at naglakad na lang pauwi.

Sa kanyang paglalakad ay nakita niya ang dahilan ng trapik: May trak ng buhangin na aksidenteng tumagilid sa gitna ng daan. Tumapon ang gabundok na buhangin sa kalsada. Hindi na sana niya iintindihin ang aksidente dahil bukod sa napapagod na siya ay gutom na gutom na. Kailangan na niyang makauwi. Pero narinig niya ang usap-usapan ng mga miron na nakatunganga sa aksidente.

May batang natabunan ng buhangin, kawawa naman…ang tagal dumating ng rescue…

Naisip ng lalaki, may batang natabunan ng buhangin ngunit wala pang  tumutulong. Kawawa ang bata. Tutulong siya! Agad niyang tinakbo ang kinaroroonan ng trak na tumagilid. Narinig niya na may babaeng nag-iiyak at sumisigaw ng : Tulong! Tanggalin ninyo ang aking anak sa ilalim ng buhangin.

Dali-dali niyang hinalukay ang buhanging tumatabon sa bata, gamit ang malalaki niyang kamay. Sa wakas, natanggal niya ang buhangin sa ibabaw ng katawan ng batang nasa apat na taong gulang. Babae ito, dahil nakabestida. At nang pagmasdan niya ang mukha…ang bata ay ang pinakamamahal niyang bunso! Saka lang niya nilingon ang babaeng nag-iiyak at sumisigaw ng tulong… misis pala niya! Parehong nasa bata ang kanilang atensiyon, kaya hindi sila “nagkita”. Isinugod ang bata sa ospital at nagpapagaling na. Kung hinintay pa ang rescue, malamang na namatay ang bata sa ilalim ng buhangin. Mabuti na lang at likas na matulungin at maawain ang lalaki – ang ugali niya na nagligtas sa kanyang anak sa tiyak na kamatayan.

vuukle comment

BATA

BUHANGIN

HUANGZHAICUN ROAD

ISANG

ISINUGOD

KAILANGAN

KAWAWA

MALAYO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with