^

Punto Mo

Pinakamalaking fireworks display sa mundo, nasaksihan sa Japan

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bagong world record sa larangan ng paputok ang naitala kamakailan sa Japan.

Humigit-kumulang 600,000 tao ang dumagsa sa siyudad ng Konosu upang masaksihan ang kakaibang fireworks display na ginamitan ng isang kuwitis na may 460 kilo ng pulbura. Naging sapat na ang nasabing dami ng pulbura upang maitala ang ginanap na pailaw sa Konosu ng Guinness Book of World Records bilang pinakamalaking fireworks display sa buong mundo base sa dami ng pulburang ginamit.

Hindi naman nabigo ang mga dumayo sa Konosu dahil talaga namang nagliwanag ang madilim na kalangitan sa nasabing siyudad dahil sa dami ng pulburang ginamit para sa fireworks display. Tinatayang nasa 800 metro ang lapad ng pailaw na nagmula sa dambuhalang kuwitis na pinaputok.

Pumunta ang ilang kinatawan ng Guinness sa Konosu at kinumpirma nilang nagawang makuha ng isinigawang fireworks display sa nasabing siyudad ang world record na kanilang inasam na makamit.

Hindi naman nag-iisa ang fireworks display sa Konosu sa listahan ng mga pailaw na nakagawa ng world record sa nakalipas na isang taon. Noong Disyembre 2013 tinanghal ng Guinness ang isinagawang fireworks display sa Dubai bilang pinakamalaking fireworks display sa mundo base sa dami ng ginamit na paputok. Umabot sa  479,651 paputok ang ginamit sa engrandeng fireworks display na ginanap sa Dubai.

DISPLAY

DUBAI

FIREWORKS

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS

HUMIGIT

KONOSU

NOONG DISYEMBRE

PUMUNTA

TINATAYANG

UMABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with