Kape
October 15, 2014 | 12:00am
MAHILIG ako sa kape. Kapag nagpupuyat, kape ang bestfriend ko. Narito ang ilang na-research ko tungkol sa kape.
- Ayon sa alamat, isang Ethiopian na nag-aalaga ng mga kambing ang aksidenteng nakadiskubre sa kape. Dahil ito sa kakaibang dulot ng beans sa kanyang mga alaga.
- Ang mga Amerikano ang may pinakamaraming naiinom na kape sa buong mundo. Nasa 400 milyong tasa araw-araw.
- Ang kape ay psychoactive. Kapag masyadong marami ang iyong nainom (100 tasa) ay maaaring mag-hallucinate, at maaaring ikamatay.
- Isang French doctor ang nagsimula ng Café Au Lait (pagdaragdag ng gatas sa kape).
- Sa sinaunang kulturang Arabo, may isang paraan upang legal na makipaghiwalay ang babae sa kanyang asawa — kapag hindi nakakapagbigay ng sapat na kape ang lalaki.
- Ang coffee bean umano ay kabilang sa uri ng berry kaya ito ay prutas.
- Ang kilalang classical music composer na si Johan Sebastian Bach ay sumulat ng isang opera tungkol sa isang babaing adik sa kape.
- Sa Italia ay tinitingala at ginagalang ang mga barista at tagagawa ng kape.
- Noong 1600s, naging kontrobersiyal ang pag-inom ng kape sa mga Katoliko.
- Hindi totoong nawawala ang kalasingan sa pag-inom ng kape.
- Mayroong spa sa Japan kung saan pinapaligo ang kape.
- Sunod sa langis, ang kape ang ikalawang pinakamalaking commodity na pino-produce sa mundo.
- Sa Africa, ang mga coffee beans ay ginagawang kendi. Ibinababad ito sa tubig at hinahaluan ng spices.
- Brazil ang pinakamalaking producer ng kape na nakakagawa ng mahigit sa 45 milyong bags ng coffee kada taon.
- Ang black coffee ay walang taglay na calories.
- Mayroong dalawang uri ng kape — Arabica at Robusta.
- Ang puno ng kape ay maaaring mabuhay ng hanggang 100 taon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended