^

Punto Mo

Manong Wen (80)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NASA kusina sina Prin-cess at Precious at nag-uusap. Inihahanda ni Princess ang mga gamit sa paggawa ng bibingka. Magluluto siya ng bibingka sa madaling araw.

Walang kamalay-malay ang magkapatid na nasa labas ng kusina si Jo at nag­mamatyag sa kanila. Bi­nabantayan ni Jo ang magkapatid para masiguro ang kaligtasan ng mga ito. Ang gustong malaman ni Jo ay kung bakit tumatawag sa kanyang cell phone si Prin­cess. Siguradong mahalaga ang sasabihin kaya siya tumatawag. Kung hindi sana nagkaaberya ang CP niya ay nalaman na sana niya ang dahilan kaya ito tumatawag. Ang isang ikinatutuwa ni Jo ay wala namang nangyayaring masama sa magkapatid. Patuloy pa rin ang kanilang buhay.

Pinakinggan ni Jo ang pag-uusap nina Princess at Precious.

“Matulog ka na Precious at may klase ka pa bukas. Ihahanda ko lamang ang mga kakailanganin sa pagluluto ng bibingka at matutulog na rin ako.’’

“Gusto ko kasabay ka sa pagtulog Ate. Hihintayin na kita.’’

“Sige. Ibababad ko lang ang bigas.’’

Habang hinuhugasan ni Princess ang bigas na gaga-wing bibingka ay tanung nang tanong si Precious.

“Palagay mo Ate, dadalawin pa tayo ni Mang Jo?’’

Matagal bago nakasagot si Princess. May tampo ang boses. “Hindi na siguro. Ilang beses kong tinawagan pero hindi sumasagot. Huwag na tayong umasa sa kanya, Precious. Titindig tayo sa sari-ling mga paa.’’

“Bakit kaya ayaw sa-gutin ang call mo?’’

‘‘Hindi ko alam. Baka mayroon nang ibang pinagkakaabalahan, malay mo?’’

“Nag-asawa na kaya siya, Ate?’’

“Ewan ko!’’

“Subukan mo kayang tawagan uli, Ate?’’

“Ayoko. Huwag na natin siyang gambalain. Matuto tayong tumayo sa sari-ling mga paa.’’

“Akala ko pa naman ay maaasahan si Mang Jo, hindi pala!

“Kaya nga huwag ta-yong basta aasa sa taong hindi natin lubos na kilala.’’

“Pero di ba, magkaibigan sila ni Tatay at maraming naitulong sa kanya si Tatay.’’

Hindi na nakapagsalita si Princess.

Ang lahat nang pinag-usapan ng magkapatid ay narinig lahat ni Jo.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

AYOKO

BAKIT

EWAN

HABANG

HIHINTAYIN

HUWAG

MANG JO

TATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with