^

Punto Mo

Proper forum kay Binay

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

PROPER forum ang da­pat pagsalitaan ni Vice President Jejomar Binay para masagot ang mga alegasyon ng katiwalian na ibinabato sa kanya.

Hirit ng kampo ni Binay, ang Ombudsman ang proper forum dahil nakahain na rito ang kaso laban sa kanya.

Pero papaano naman ang mga naniniwala kay Binay na ngayon ay nagkaroon ng agam-agam sa kanyang kre-dibilidad.

Napaka-importante ng po­sis­yon na nais sungkitin ni Binay at kung mayroong kahit katiting na duda sa katapatan ay karapatan naman ng taumbayan na marinig ang paliwanag.

Tama na hayaan na sa Ombudsman ang kaso ni Binay pero hindi ito maaring hintayin pa ng mga botante. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na maraming kaso na ang inaamag at nilulumot hanggang ngayon at hindi pa umuusad.

Sa ngayon ang proper forum ni Binay ay deretsahang sagutin na nito ang  mga bintang laban sa kanya .

Dapat punto por punto at detalyado na maglabas ito ng mga ebidensiya upang linisin ang pangalan sa publiko.

Hindi puwedeng ikatwiran na kung sino ang nag-aakusa ay siyang dapat maglabas ng ebidensiya. Ang inaakusahan ay nais na maging pinuno ng bansa kaya dapat boluntaryo siyang magpaliwanag sa publiko.

Pampanguluhan ang pinag-uusapan dito kaya napakaha-laga ang dagliang paliwanag ni Binay. Kahit hindi siya humarap sa Senado ay maari naman siyang magsalita sa media at detalyadong ipaliwanag ang katotohanan.

Ayon naman sa ilang political analyst, kung hindi magka-counter move si Binay sa mga akusasyon ng katiwalian, baka lalong dumausdos ang kanyang rating at mahirapang makabangon. Maaring diskaril ang kanyang ambisyon na maging Presidente.

 

 

AYON

BINAY

DAPAT

HIRIT

KAHIT

NAPAKA

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with