^

Punto Mo

Bridal gown na gawa sa China, 4 na kilometro ang haba

- Arnel Medina - Pang-masa

LAYON ng mga mananahi sa China na makuha ang isang world record – ang makagawa nang pinakamahabang bridal gown sa mundo.

Mukhang hindi naman sila mabibigo dahil nagawa nilang makapagtahi ng isang bridal gown na umabot sa habang 4,100 metro o higit pa sa apat na kilo­metro.

Ang napakahabang bridal gown ay gawa ng mga mananahi  mula sa bayan ng Xiangxunshangu at inabot sila ng isang buwan bago natapos ang kasuotang gagawin nilang pambato sa Guinness Book of World Records.

Sa sobrang haba ng kanilang nagawa ay kinailangan nilang ilatag ang traje de boda sa isang malawak na taniman habang suot ng isang modelo. Sa timbang na 120 pounds ay napakabigat din ng gown dulot nang napakaraming tela na ginamit sa paggawa nito. Sa dami rin ng materyales na ginamit ng mga mananahi ay aabot sa 40,000 yuan (P300,000) ang presyo nito.

Lubos namang umaasa ang mga gumawa ng bridal gown na makukuha nito ang world record dahil isa’t kalahating metro ang lamang nito sa haba ng isang bridal gown na gawa sa Romania na kasalukuyang humahawak ng titulo.

BRIDAL

GOWN

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS

ISANG

LUBOS

MUKHANG

NITO

ROMANIA

XIANGXUNSHANGU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with