How to be single
HANGO ito sa aklat na sinulat ng executive story editor ng “Sex and the City”. Ito ang ibabahagi ko sa mga single pa.
Siguraduhing mayroon kang mga kaibigan. Ang mga kaibigan ang nagsisilbing support group. Sila ang nagbibigay-aliw, payo at lakas ng loob sa pinagdaraanang pag-iisa. Sila rin ang hindi magsasawang makinig sa iyong walang katapusang hinaing. Ang tawag ko nga sa aking mga kaibigan ay “venting machines.”
Huwag magpakaloka. Bagamat ang bagong hiwalay pa lamang ay punung-puno ng pighati at emosyon, kailangang manatiling rasyonal. Mag-isip. Huwag gumawa ng mga bagay na iyong pagsisisihan sa bandang huli.
Get carried away. Minsan ay kailangan lamang mag-losen up. Kaya naghihiwalay ang ilang magkakatipan ay dahil sa masyadong sakal at stiff na samahan. Kaya naman kadalasan ay naghahanap tayo ng escape o “breath of fresh air.” Give in sometimes. Pagbigyan ang mga kagustuhan, subalit siguraduhing alam mo ang iyong limitasyon.
Aminin na minsan ikaw ay mahina, fragile at desperado. Ang tanging paraan upang makausad at maka-move on sa mga bagay-bagay ay ang pagtanggap sa mga ito. Acceptance and humility. Yakapin ang iyong kahinaan at ito ang mismong magpapalakas sa iyo.
Kaunti lamang ang mga taong nagtataglay ng “lahat,” kaya huwag mag-aksaya ng oras sa pagseselos. We can’t have everything. And we can’t have everything we want all at the same time. Tandaang hindi porke mayroon ang iba ay dapat mayroon ka rin. Bawat indibidwal ay binibigyan at binibiyayaan ng mga bagay na ayon sa Diyos ay kailangan at makabubuti sa kanya. Tandaan din na hindi lahat nang makabubuti sa iyo ay pabor sa iyo. Maaaring masaklap ang mga pangyayari subalit ito naman ay kapupulutan ng aral at magpapatatag sa iyong pagkatao.
Tandaang maraming mas mahahalagang bagay sa buhay kaysa sa iyong love life. Bagamat ang pagkakaroon ng espesyal na tao ay nagbibigay ng pakiramdam ng pagiging kumpleto, hindi dapat dito umikot ang iyong buhay, Mayroon kang trabaho/pag-aaral, kaibigan at pamilya na dapat ding pagtuunan ng pansin at bigyan ng oras. Malay mo hindi talaga ang pagiging ina/ama/boyfriend/girlfriend ang iyong calling sa buhay…
Maniwala sa himala. May mga bagay na sadyang bigla na lamang nangyayari sa harap ng tila kawalan ng pag-asa. Have faith. Maniwala.
Last note: It’s just a matter of perspective. Isipin na nangyari ang mga bagay dahil may rason ito. Baka kaya ka single ngayon ay para ma-enjoy mo ang pamilya mo at ang pagiging mag-isa.
- Latest