Pamamanas o ‘edema’
MADALAS ay napapansin natin ang pamamanas sa paa at sakong matapos tumayo o maupo nang matagal. Pero dapat nating bigyang-pansin ang ganyang pamamanas lalo na kung napapansing paakyat ito sa dakong hita. Edema ang tawag sa ganyang pamamanas.
Bakit nagkakaroon ng pamamanas?
Kapag ang fluid ay nag-leak mula sa dinadaluyan ng dugo patungo sa mga nakapaligid na tissues, nagkakamanas tayo. Ang pamamanas ay laging abnormal kaya hindi dapat balewalain. Maaaring ito’y sintoma ng isang sakit. Karaniwang sintoma ng sakit sa puso ang pamamanas at ito’y bunga ng kawalan ng puso na mag-function nang maayos.
Kapag ang puso ay hindi bumobomba nang sapat, halimbawa sa kaso ng tinatawag na “heart failure”, ang fluid na nasa mga ugat na dapat ay dumadaloy lang nang maayos sa sirkulasyon ay naiipon lang. Ang naipong fluid na ito ay nagli-leak mula sa mga ugat patungo sa nakapaligid na tissues, na nauuwi sa pamamanas.
Kalaunan, ang mahinang pagbomba ng puso ay nauuwi sa pagkaunti ng dugong dumadaloy patungo sa bato (kidney). Kapag nangyari ‘yun, ang bato ay hindi na makapaglalabas ng sobrang fluid bilang ihi. Ang naturang sobrang fluid ay naiipon sa buong katawan kung kaya parang nadadagdagan ng timbang ang katawan o tumataba.
Ang pamamanas ay dapat bigyang-pansin ngayon pa lang. Kailangang masuri kayong mabuti kapag may pamamanas. Ang mga available na gamot ngayon ay mapapahinto ang pagkakaroon ng sakit sa puso o pati na ang posibilidad ng atake sa puso.
Kapag nagpunta sa doctor dahil sa pamamanas, gagawin sa inyo ang ilang diagnostic tests. Doon ay malalaman n’yo ang performance ng puso n’yo o kung paano mag-respond ang puso n’yo sa stress o kung may damage ba sa masel ng inyong puso.
May mga tests din na magsasabi kung may pagkitid ba na nagaganap sa ilang arteryang ugat. Lahat ng impormasyong ito ay tutulong sa inyong doctor upang maibigay ang pinakamabu-ting gamutan para sa inyo.
Heto pa ang ilang posibleng sintoma ng sakit sa puso: Pananakit ng dibdib, palpitations, pangangapos ng hininga, at labis na pagkahapo.
• • •
Lumahok sa nalalapit na IDEA’YALA SUMMIT, isang proyekto ng Ayala Malls na naglalayong linangin ang kakayahan ng mga kabataang umisip ng mga konseptong makakatulong sa pagpapaunlad ng mga Ayala Malls. IDEA’YALA SUMMIT Schedule: Oct. 4, Glorietta; Oct. 11, Trinoma; at Oct. 18, Alabang Town Center. Ang event ay mag-uumpisa ng 9:30am hanggang 12nn. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang kanilang website: ideayala.ayalamalls.com.ph.
Ang Project DUKE naman, isang organisasyong naghahangad na maiangat ang antas ng kalagayan ng mga kabataang pansamantalang tumigil sa pag-aaral, ay magkakaroon ng isang pagdiriwang sa ika-28 ng Setyembre, sa Emiliana Hall sa Balanga City, 8am to 12nn. Tinawag na “Out-of-the-Box: Project DUKE’s Graduation Day, ang event ay pagbibigay-pugay sa mga kabataang naging bahagi ng programa. I-like at i-share ang Project DUKE page: fb.com/ProjectDUKE.
- Latest