^

Punto Mo

VK at pergalan

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

DAPAT puksain ng gobyernong Aquino ang naglipanang video karera machines at pergalan sa bansa. Sa totoo lang kasi, wala namang pakinabang ang gobyerno sa VK at pergalan at kung tutuusin sila ang isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang crime rate sa bansa. Kung saan may nakalatag na VK at pergalan, tiyak mataas ang crime rate dahil sa kriminalidad kumukuha ang mga adik sa droga at sugal bilang pantaya dito. Kung sa pergalan, kumikita ng konti ang gobyerno dahil nagbabayad ang financiers ng amusement tax, sa VK naman ni singkong duling ay hindi nababawasan ang kita ng operator nito. Kapag napuksa kasi ng gobyerno itong VK at pergalan, nalutas nito ang problema hindi lang sa illegal gambling kundi maging sa droga, di ba mga kosa? Sa tingin nga mga kosa ko, panahon na para tigpasin ng gobyerno itong operation ng VK at pergalan tungo sa “tuwid na daan” na programa ni P-Noy, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ’yan!

Ang unang gawin siguro ng gobyerno ay magkaroon nang malawakang information drive para kumbinsihin ang mga parukyano ng VK at pergalan na ’wag nang tangkilikin ang mga naturang sugal, Kasi sa totoo lang, dito sa VK na tinatawag na “one-armed bandit” ay walang panalo ang mananaya samantalang sa pergalan naman may panalo subalit dinadaya ng financiers ang kanilang mga parukyano sa pamamagitan ng magnet. At kung milyones man ang pumapasok na pera sa bulsa ng financiers ng VK at pergalan, ni singkong duling ay wala silang binabayarang tax. Kaya happy ang financiers ng VK at pergalan, di ba Manong Johnny Enrile Sir? Hehehe! T’yak ’yun!

Kaya lang, sino ang magsasagawa nang malawakang information drive laban sa VK at pergalan? Hindi puwede ang mga governor, mayor at barangay chairman dahil malaki ang pakinabang nila rito. Hindi rin puwede ang kapulisan dahil meron din silang parating. Sa totoo lang, sobrang laki talaga ang ibinubulsa ng VK at pergalan operators at kaya nilang mag-bid ng milyon para lang makuha nila ang lugar kung saan maraming adik sa droga at sugal. Tulad ng ginawang bid ni Buboy Go na P1.5 milyon para mapasakanya ang kaharian ni Manila Mayor Erap Estrada. Hindi naman makapag­desisyon kaagad si Erap dahil may counter-offer din na P1.5 milyon ang mag-asawang VK operators na sina Romy at Gina Gutierrez at ang naka-umbrella sa kanila na si Adyong. Si SPO1 Roger Esteban, alias Sacho naman ay malaki ang pinuhunan kay Caloocan City Mayor Oca Malapitan para ang VK n’ya ang nakalatag sa naturang siyudad at maging sa Calamba City. Si DILG Sec. Mar Roxas kaya puwedeng gumalaw laban sa VK at pergalan? Kung sabagay, palpak na nga itong “no take” policy ni Roxas laban sa jueteng at lalo nang hindi niya pakikialaman ang VK at pergalan dahil sa pangambang lalong dumapa ang tsansa niyang maging kapalit ni P-Noy, di ba mga kosa? Kung rerebisahing maigi mga kosa, mukhang inutil ang gobyerno ni P-Noy laban sa VK at pergalan. Abangan!

vuukle comment

BUBOY GO

CALAMBA CITY

CALOOCAN CITY MAYOR OCA MALAPITAN

GINA GUTIERREZ

HEHEHE

KUNG

P-NOY

PERGALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with