^

Punto Mo

Manong Wen (43)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“GULAT na gulat ang dalawa nang makita ako. Pero mas lalo akong nagulat sa kanilang ginagawa dahil ang alam ko, magka­patid nga sila. Napakahalay na tagpo ang ginagawa nila sa sopa. Pero saglit lang na­naig sa akin ang pagkagulat. Agad kong sinugod si Arthur at tinadyakan ko. Sapol sa tagiliran. Balandra sa dingding. Pero mabilis ding nakabangon at agad nadampot ang brief at sa isang iglap ay naisuot.

“Sinugod ko uli at tinadyakan sa sikmura  pero nakailag. Nawalan ako ng balanse at napasubsob ako. Tumama ang nguso ko sa sahig. Sinamantala ng walanghiyang si Arthur ang pagkakasubsob ko at kuma­ripas ng takbo kahit naka-brief. Lumabas ng bahay. Bumangon ako at hinabol siya. Pero hindi ko inabutan. Hinayang na hinayang ako. Sana nagulpi ko nang ayos ang hayup na umipot sa ulo ko. Pero nakalibre man siya sa akin, tiyak na hindi siya makakalibre sa pulis na nagpa­patrol. Tiyak mahuhuli siya. Ikukulonhg siya dahil naka-brief habang nasa kalsada.

“Mabilis kong binalikan si Gemma. Naabutan ko pa ring nasa sopa. Hubad at tinatakpan ang mukha. Hinaltak ko siya at nahulog sa sopa. Pinaamin ko kung sino si Arthur. Ayaw magsalita. Sinampal ko. Galit na galit ako. Nang ayaw pa ring magsalita, kinaladkad ko palabas. Nagmakaawa nang nasa hagdan na. Aaminin na raw niya. Hindi raw niya kapatid si Arthur. Siyota niya ito. Pinapunta talaga niya rito sa Saudi para magtrabaho at nang magkasama na sila.

“Shock ako. Lalo akong na-shock nang sabihin na ang perang ginamit sa pag-aaplay ay ang perang ga­ling sa akin. Gusto ko na siyang ihulog sa hagdan pero hindi ko ginawa. Baka ako ang makulong at maging kawawa.

“Hinila ko uli siya pa­balik sa aming kuwarto at pinaamin pa sa ibang kasalanang nagawa sa akin. Dahil sa takot, inamin niyang lahat. Napakarami niyang ka­salanan sa akin….”

(Itutuloy)

AAMININ

AKO

AYAW

BUMANGON

DAHIL

GALIT

PERO

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with