^

Punto Mo

‘Human punching bag’, patok sa China

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 48 taong gulang na lalaki mula sa China ang kumikita ng $3,500 kada buwan sa pamamagitan ng pagi-ging ‘human punching bag.’

Binansagan si Xie Shuiping bilang taong punching bag dahil pinapayagan niya ang kanyang mga parukyano na siya ay suntuk-suntukin na parang punching bag sa gym.

Tumatambay si Xie gabi-gabi sa mga bar at nightclub upang makaakit ng mga customer na gustong maglabas ng galit o magbawas ng stress sa pamamagitan ng pagsuntok. Tumatagal ng 20 minutes ang pagpapasuntok ni Xie at hinahayaan niya ang kanyang mga customer na suntukin siya ng kahit gaano kalakas. Hinahamon pa nga niya ang mga ito na kung sino man ang makakapagpatumba sa kanya ay ililibre niya ng inumin pagkatapos.

Nagsimula ang raket ni Xie noong 2004. Wala siyang trabaho at pera noon kaya pumasok sa isip niya na pagkakakitaan ang kanyang mga abs na mala-bato sa tigas. Naging matibay ang kanyang mga kalamnan dahil sa kanyang mga naging mabibigat na trabaho katulad ng pagiging construction worker.

Pumatok naman ang kanyang naisip na hanapbuhay at dahil hindi naman siya nasasaktan mula sa mga suntok na kanyang sinasalo araw-araw ay ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang pagpapasuntok sa iba’t ibang tao para kumita.

 

BINANSAGAN

HINAHAMON

KANYANG

NAGSIMULA

NIYA

PUMATOK

TUMATAGAL

XIE

XIE SHUIPING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with