^

Punto Mo

8 Pagkaing Nagpapaalala ng Aking Kabataan (Last Part)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Titi Baboy

Kasinglaki at kasinghaba ng regular na hintuturo ng adult pero korteng titi ng baboy. Malutong ang titi baboy. Minsan, isinasawsaw sa mainit na kape ng matatandang wala nang ngipen. Binibili ko lang ito kapag gusto kong magmiryenda pero kakaunti lang ang pera ko. Palibhasa ay paminsan-minsan lang ako bumibili, hindi ko matandaan ang presyo per pack.

Bistek na Karneng Kalabaw

Nabubundat ako sa kabusugan kapag ito ang ulam namin. Ang isa pang masarap na luto sa kalabaw ay ribs na inadobo sa gata at hinaluan ng berdeng papaya. Sa aming bayan, “alien” ang karneng baka. Walang baka sa amin at sa halip ay nagkalat ang kalabaw. At take note, mas mura ang cara-beef kaysa pork. Nakakatikim lang kami ng baka kapag may dumadayong nagla­lako ng beef mula sa Tiaong at Lucban, Quezon. Palibhasa ay sanay ang aming panlasa sa cara-beef, napapansin namin na maanggo ang beef. Noong bata pa ang aking ama, ang hanapbuhay daw ng kanyang ama ay nagtitinda ng “smoked” pata ng kalabaw. Ibinebenta ito sa mga bulaluhan at lugawan sa mga karatig-bayan.

Tikoy sa Kawayan

Sa kawayan kasi niluluto kaya tikoy sa kawayan. Ito ay pinaghalu-halong giniling na malagkit, condense milk, butter, itlog, asukal. Ilalagay sa kawayan ang mixture at pakukuluan sa tubig na nasa malaking basyo ng lata ng vegetable oil. Kapag kumpleto sa ingredients, ang lasa nito ay parang yemang tikoy or tikoy na yema.

 

BINIBILI

BISTEK

IBINEBENTA

ILALAGAY

KAPAG

KARNENG KALABAW

PALIBHASA

TITI BABOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with