^

Punto Mo

‘Kampihan kontra Korte Suprema’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MAINGAY ngayon ang mga mambabatas na kaalyado ng administrasyon hinggil pa rin sa isyu ng Disbursement Accele­ra­tion Program (DAP).

Walang puknat sa kanilang pananakot matapos itong ideklara na unconstitutional o ilegal ng Korte Suprema nitong mga nakaraang buwan.

Dito malinaw na makikita ang panggigipit ng mga “tuta” ng administrasyon na “tulo-laway” sa DAP.

Kaya naman, inilalaban nila ito ng patayan  para lumambot ang Kataas-taasang Hukuman sa kanilang naging desisyon at sa magiging desisyon sa apela ng Palasyo at Department of Budget and Management (DBM).

 Dahil wala nang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ang mga kongresista at wala na silang pipilahang DAP sa Malakanyang, sinisilip naman nila ngayon ang taunang pondo ng hudikatura o ang Judiciary Development Fund (JDF).

 Naninindigan ang mga kaalyado ng administrasyon na ‘pork barrel’ ito ng mga hukom at nalabag ang Saligang Batas sa umano’y pagwawaldas ng mga nasa hudikatura.

 Walang masama sa pilit na pag-iimbestiga ng Kongreso sa JDF. Subalit, lumalabas na ‘benggatibo’ o ito ang nakikita nilang tanging paraan para makaganti sa Korte Suprema.

Maliban sa mga “tuta” ng Palasyo sa Kongreso, nakipagsanib-pwersa na rin ang Palasyo, Bureau of Internal Revenue (BIR) sa ilalim ng Department of Finance (DOF) at Commission on Audit (COA) sa panggigipit sa Supreme Court.

Nagbabanta sila ng impeachment complaint na isa­sampa laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at sa iba pang mga hukom na nagde­sisyon sa kontrobersyal na pondo ng Palasyo.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHIEF JUSTICE MA

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DEPARTMENT OF FINANCE

DISBURSEMENT ACCELE

KORTE SUPREMA

PALASYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with