^

Punto Mo

Manong Wen (16)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PAANO malalaman kung luto na ang bi-bingka?” tanong ni Jo.

“Kapag po naamoy na ang nasusunog na dahon ng saging na nakasapin. Mabango po ang amoy. Ibig pong sabihin, luto na ‘yun. Kung minsan po inoorasan ko. Tantiyado ko na po kapag luto na ang bibingka.’’

“Sanay na sanay ka na, Princess.’’

“Opo. Si Tatay po lahat ang nagturo. Tiyagaan lang daw      po ang susi ng tagumpay.’’

“Oo nga. Naniniwala ako diyan. Marami talagang alam si Manong Wen.’’

“Noong nabubuhay pa siya, lagi po niyang sinasabi sa akin na pagbutihin ang lahat nang gagawin lalo na kung ito ay negosyong pagkain. Kailangan daw ay may quality. Dito raw po nakasalalay kung babalik o bibili uli ang customer. Pasarapin pa raw para laging may customer. Kapag daw po nasira ang quality ng produkto, wala na pong babalik na customer. Malulugi na.’’

“Tama si Manong Wen. Kailangan ay pagbutihin ang trabaho.’’

“Mahigpit ko pong sinusunod ang payo ni Tatay. At epektibo po dahil lahat nang customer ko ay hindi umaayaw at nadagdagan pa. Hindi ko na po kailangang mag-alok pa dahil pasalin-salin na lang ang balita ukol sa aking masarap na bibingka.’’

“Dapat talagang sundin ang payo ni Manong Wen.’’

“Ganun po ang ginagawa ko.’’

“Paano kung hindi ka naturuan ng pagbibibingka, ano ang negosyo mo?”

“Baka po pritong lumpiang toge, with masarap na sukang sawsawan, he-he.’’

“Mahusay ka ring gumawa niyon?”

“Opo.”

“Bilib na ako sa’yo, Princess. Naiiba ka!”

“Salamat po.’’

Hanggang sa ipasya ni Jo na ipagkaloob na ang perang gagastusin ni Princess sa pag-aaral at puhunan sa pagbibi-bingka. Ilang bundle ng pera ang iniabot  niya sa dalaga.

“Eto ang pera na gagamitin mo Princess.’’

Hindi na naman maka­pag­salita si Princess. (Itutuloy)

BILIB

DAPAT

DITO

ETO

KAILANGAN

KAPAG

MANONG WEN

OPO

SI TATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with