^

Punto Mo

Manong Wen (14)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAKAKAHIYA naman po Mang Jo,” sabi ni Princess. “Baka po may masabi ang ibang tao kapag nagkaroon ako nang puwesto ng bibingkahan.’’

“Anong nakakahiya roon? Hindi mo naman sasabihin na galing sa akin ang puhunan.”

“Siyempre po maraming makakati ang dila.”

“Baka kung ano ang isipin?”

“Opo.’’

“Aba sabihin mo tinulungan ka nang matalik na kaibigan ng tatay noong nasa Saudi pa. Huwag mong ikahihiya ’yun dahil ’yun naman ang totoo.’’

“Nahihirapan po akong mag-decide, Mang Jo.’’

Nag-isip si Jo. Bata pa kasi si Princess kaya nahihirapang magpasya.

“Sige ganito na lang, kung ayaw mong magbi­bingka, bibigyan na lang kita ng perang gagastusin sa pag-aaral mo. Di ba nasa third year ka na? Tutustusan ko ang pag-aaral mo hanggang sa makatapos ka.”

Hindi na naman makapagsalita si Princess pero halata sa mga mata na natutuwa siya.

“Hindi ko po alam ang sasabihin Mang Jo. Pareho pong maganda ang iyong alok. Hindi ko po talaga alam…”

“Aba dapat ay marunong ka nang magpasya. Sige mag-isip ka muna habang ako ay kumakain ng bibingka. Ililista ko ang nakain ko para hindi ka malugi.’’

“Naku kumain ka po nang kumain ng bibingka. Teka gusto mo po nang mainit na barakong kape?”

“Aba oo. Bagay ang bi­bingka at kapeng mainit.”

“Sandali po at kukuha ako ng kape,’’ sabi at nagtungo sa dirty kitchen si Princess. Nang bumalik ay may dalang umuusok na kape sa mug.

“Eto na po. Ikaw na po ang magtimpla ng asukal.’’

“Salamat. O ano nagpasya ka na ba?”

“E, Mang Jo, kung tu­tustusan mo ang pag-aaral ko at hindi na ako magbi­bibingka, paano si Precious. Sa pagbibibingka ko kinukuha ang pinapaaral sa kanya.’’

“O e di magbibingka ka pa rin at saka ka mag-aral. Kaya mo ang ganoon?”

“Opo. Half day lang naman ang paglalako ng bibingka.”

“Ayaw mong nasa puwesto?”

“Lako na lang po. Mayroon na kasi akong mga suki.’’

“Sige kung yan ang gusto­ mo. Ibibigay ko sa iyo ang perang gagastusin mo at bibigyan na rin kita ng puhunan sa pagbibingka.’’

Hindi na naman maka­kibo si Princess. Ano itong suwerte na dumating sa kanya.

“Ano Princess?”

“Salamat po! Maraming salamat!”

(Itutuloy)

ANO

ANO PRINCESS

ANONG

AYAW

BAGAY

MANG JO

OPO

SIGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with