30 practical household tips (Last part)
26. Nakaka-produce ng natural salicylic acid ang katawan kung laging kakain ng prutas at gulay. Ang salicylic acid ay ingredient sa aspirin at gamot sa pain reliever. Kung may natural salicylic acid ka sa katawan, maiiwasan mo na ang pananakit ng ulo at pamamaga sa ibang parte ng katawan na nagdudulot ng “physical pain”.
27. Para mabilis maalis ang amoy pawis sa manggas ng puting damit: Bago labhan ay buhusan muna ng suka ang ilalim na bahagi ng manggas at hayaang nakababad ng ilang minuto. Saka labhan ang buong damit.
28. Para mas maging malasa ang barbecue: Pagkaraan ng magdamag na pagbabad ng karne sa marinade, ihiwalay ang karne sa marinade. Sa bawat kalahating tasa ng marinade, ihalo ang kalahating tasa ng Coke + kalahating tasa ng banana catsup. Haluing mabuti. Ito ang ipahid sa karne habang iniiihaw. Kung may matitira, pakuluan at gamiting sauce.
29. Kahit pagod na pagod ka na, hugasan ang mga pinggan at linisin ang kitchen bago matulog. Ang malinis na kitchen pagkagising ay nakakaganda ng pakiramdam upang simulan ang araw mo.
30. Upang hindi humawa sa plastic container ang kulay ng tomato based sauces, ispreyan muna o pahiran ng cooking oil ang loob ng container bago isalin ang sauce.
Bonus tips:
• Hugasan ang eczema gamit ang maligamgam na chamomile tea para mawala ang pangangati at inflammation.
• Maghalo ng Cinnamon powder sa tubig na pangmumog para matanggal ang bad breath.
• Ang “isang kurot” ay hinlalaki + hintuturo + middle finger. Sa cooking, ang “pinch” ay hindi isang scientifically standardized measurement. Karaniwang ibig sabihin nito ay maliit na rami ng ingredient na maaaring makuha gamit ang mga daliri.
- Latest


















