Sisihan sa problema sa trapiko
ISANG imbestigasyon ang ikinakasa ng Senado kaugnay nang inilabas na memorandum circulars ng LTFRB para makabiyahe ang mga kolorum at out of line na truck at bus.
Nagdesisyon na ang mga mayor sa Metro manila at si MMDA chairman Francis Tolentino na huwag sundin ang LTFRB.
Naramdaman kasi ng mamamayan na lalong lumubha ang problema sa trapik dahil sa paglabas sa kalye ng mga kolorum na trak at bus dahil sa binigay na permiso ng LTFRB. Ayon sa MMDA, maraming truck na kolorum ang bumiyahe sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila na dahilan para magbuhul-buhol ang trapiko.
Dapat magpaliwanag sa publiko si LTFRB chairman Winston Ginez kung ano ang dahilan ng rationalization na nagsuspinde sa kampanya laban sa kolorum na truck at bus.
Dapat ilatag ng LTFRB ang detalye ng kanilang layunin sa rationalization at kung ipatutupad ito ay hindi dapat munang payagan na makapagbiyahe ang mga kolorum na truck o bus.
Hindi dapat magsisihan dahil ang trapik ay matagal nang problema sa Metro Manila. Kung talagang palpak ang diskarte ng LTFRB, dapat akuin nila at agad itama ang sistema.
Dito sa isyung ito napulaan si Ginez. Maayos naman ang pamumuno niya sa LTFRB lalo na sa mga pagdisiplina sa mga bus company na nasasangkot sa malalagim na aksidente.
Puwede pa namang maayos ito sa pamamagitan lang ng pag-uusap ng MMDA, LTFRB at Metro Manila Council. Magsagawa agad ng konsultasyon at iwasan ang sisihan sa isyu ng problema sa trapiko.
Panawagan sa sinumang miyembro ng anumang networking or direct selling company sa Pilipinas. Inaanyayahan kayo na lumahok sa 2nd Asian Networkers Convention And Expo sa World trade center sa Manila na gaganapin sa August 18-20, 2014. Para sa ticket, tumawag sa 774-1176 or 376-9500 o sa website: www.asiannetworkers.com
- Latest