^

Punto Mo

Torre de Manila, imbestigahan ng Malacañang

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

DAPAT kumilos ang Malacañang na imbestigahan ang pagtatayo o konstruksiyon ng kontrobersiyal na 40 palapag na condominium sa Maynila na pinangalanang Torre de Manila.

Bagamat iginiit ng pamahalaang lungsod ng Maynila na wala raw nilabag ang nasabing proyekto ng DMCI sa mga panuntunan sa pagtatayo ng gusalli, hindi ito dahilan upang hindi na imbestigahan ang nasabing proyekto.

Kung tutuusin, marami itong nilabag sa zoning laws subalit nakapagtataka na inaprubahan ng Manila City Zoning Board at ng konseho ang proyekto dahil binigyan ng exemption ang Torre de Manila.

Ayon kay Manila mayor Joseph Estrada, makakatulong daw sa pag-unlad ng siyudad at sa mga mahihirap ang naturang proyekto.

Ilan taon lang naman na magbibigay ng trabaho ang nasabing condo project kumpara sa habambuhay na kasiraan sa imahe ng Rizal Park na maituturing na photo bomb lalo pa’t bantayog ni Gat Jose Rizal na pambansang bayani ang nakasalalay dito.

Talaga bang gaganda ang ekonomiya ng Manila o baka naman ang umayos lang ay ang ekonomiya ng mga opisyal na nag-apruba ng project?

Totoong maganda ang condo project na ito at maaring makatulong sa pag-unlad sa Maynila pero dapat ilipat ito ng lugar para hindi naman makasira sa bantayog ni Rizal na pinupuntahan ng mga turista.

Ang pinag-uusapan dito ay ang kahalagahan ng cultural at historical na kahit pa mahirap na bansa ang pilipinas ay pinapahalagahan natin ang ating kasaysayan at kultura..

Silipin ng Malacanang ang idudulot na negatibong epekto ng naturang condo project at imbestigahan ang mga opisyal na nag-apruba upang matiyak na mas mangibabaw dito ang pambansang interes.
-oooooo-
Bahagi ng ating public service ang panawagan sa lahat na miyembro ng networking or direct selling company sa Pilipinas. Iniimbitahan kayo na lumahok sa 2nd Asian Networkers Convention and Expo na gaganapin sa World Trade Center  Manila sa August 18-20,2014. Maging bahagi ng nasabing prestigious event.

Para sa ticket, tumawag sa 774-1176 or 376-9500 o bumisita  sa kanilang website www.asiannetworkers.com.

 

ASIAN NETWORKERS CONVENTION AND EXPO

AYON

BAGAMAT

GAT JOSE RIZAL

JOSEPH ESTRADA

MANILA CITY ZONING BOARD

MAYNILA

RIZAL PARK

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with