Mga maha-halagang aral
…mula sa Mayayamang Pinoy:
LABING-ISANG taong gulang si Henry Sy nang iwanan sila ng kanyang ama sa China upang makipagsapalaran sa ibang bansa na sa palagay niya ay mas malaki ang oportunidad na umasenso. Sa Pilipinas nagtungo ang kanyang ama noong 1935. Taong 1936 nang sundan ni Henry ang kanyang ama. Nadatnan niya ang ama na nakatira sa maliit na tirahang may sukat ng 30 square meter sa isang kalye sa Quiapo. Nakapagtayo ito ng sari-sari store sa Echague street. Para maging mabenta ang kanilang paninda, pinauso niya ang pagbebenta ng tingi-tingi.
Sa edad na 12, ini-enrol siya ng ama sa grade one sa Anglo Saxon school sa Quiapo. Nawalang lahat ang itinayong negosyo ng ama dulot ng Second World War. Ito ang dahilan kaya naisipang bumalik ng kanyang ama sa China noong 1946. Ngunit nagpaiwan si Henry. Sa isip niya…hindi ko lilisanin ang Pilipinas hangga’t hindi ako nagtatagumpay. Ang bilin kasi ng kanyang ina bago niya iwan ito sa China – Huwag kang babalik na luha lang ang bitbit mo.
Namimili siya ng mga sapatos sa mga pagawaan sa Tondo. Ipinagbebenta niya ito sa isang maliit na puwesto sa Quiapo. Nag-enrol siya sa FEU at kumuha ng Associate of Arts degree in Commercial Studies upang mapaunlad ang kaalaman sa pagnenegosyo. Noong 1958 naging SM Shoe Mart Department Store ang maliit niyang tindahan ng sapatos sa Quiapo. Ito ang naging simula ng paglalakbay ni Henry Sy tungo sa kanyang pagyaman.
Ang isang aral na dapat matutuhan sa kanya ay huwag mag-concentrate sa iisang klase ng negosyo. Kapag napagtagumpayan ang isa, mag-invest muli sa ibang negosyo. Ito ang ginawa niya kaya pinasok din niya ang real state at banking industries.
Noong kalakasan pa niya, may araw na dinadalaw niya ang mga tindahan ng SM. Tapos iniinterbyu niya ang lahat ng staff. Inaalam niya ang mga bagay na dapat baguhin. Halimbawa, tatanungin niya on the spot ang saleslady kung ano sa mga nakadispley na sapatos ang hindi mabenta. Sinasaliksik niya ang pinakamaliit na detalye ng lahat ng bagay. Minsan, sabi niya sa mga tauhan, “Kaya nga Sy ang pangalan ko…I can see all the details.”
Sources: Wikipedia; imoney.ph; http://www.slideshare.net/R271605/henry-sy-life-and-inspiration; http://www.millionaireacts.com/676/henry-sy-success-story.html.
- Latest