^

Punto Mo

Sari-saring Tips

DIKLAP - Ms.Anne - Pang-masa

Kung ikaw ay may stage fright, ngumuya ng chewing gum ilang minuto bago ka mag-speech o mag-lecture sa harapan nang maraming tao. Kung ikaw ay kumakain, lilikha ng impresyon ang iyong utak na “Nakakakain ako dahil nasa ligtas akong sitwasyon. Kaya wala akong dapat ikatakot.”

Kung mag-uutos ka sa inyong mga anak na tulungan ka sa gawaing bahay­, yun munang simpleng gawain ang iyong iutos. Mas malaki ang tsansa na sumunod sila sa iyo. Kapag nasanay sila na laging sumusunod sa iyo, hindi na nila iintindihin kung mahirap o magaan ang gagawin nilang trabaho sa bahay.

Kung lumapit ka sa dalawang tao na nasa gitna ng kanilang pagkukuwen­tuhan, obserbahan mo kung paano nila ipihit ang kanilang katawan para lumi­ngon sa iyo: Kung ang katawan lang nila ang ipinihit para ikaw ay lingunin ngunit hindi iginalaw ang paa—hindi ka welcome na maki-join sa kanilang pag-uusap.

Kapag namimili sa mataong lugar na maraming snatcher, gumamit ng maliit na coin purse para iyon ang ilalabas mo kapag magbabayad sa tindera.  Nakakaakit ng snatcher ang malaking wallet.

Maging alerto kapag may kahina-hinalang batang tindero ng plastic bag na dumidikit sa iyo. Tumitiyempo lang ang mga iyon na madukutan ka.

Laging sinasabi na mainam magdala ng pepper spray sa bag ang mga kababaihan. Mabuti raw itong armas sa mga taong nagtatangka ng masama. Ngunit ang problema, saan ito nabibili? Nabasa ko sa reddit.com, ito raw ay available sa hardware kagaya ng True Value, tindahan ng security guard/military outfits and accessories, na makikita sa Quiapo malapit sa simbahan.

vuukle comment

KAPAG

KAYA

KUNG

LAGING

NABASA

NAKAKAAKIT

NAKAKAKAIN

NGUNIT

TRUE VALUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with