^

Punto Mo

Florcerfida (4)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HUWAG na po Tatay Victor, aalis na po ako,’’ sabi ni Kikoy.

“Halika rito sa itaas. Kapag may dumarating sa aming bisita at inabot ng tanghalian ay pinakakain talaga namin. Ganito rito sa San Pablo. Hindi nga lang masarap ang ulam pero masarap naman ang kanin. Halika na. Ano nga uli ang pangalan mo? Pasen­siya ka na at medyo malilimutin na ako.”

“Francis po pero Kikoy ang tawag sa akin.”

“Halika rito sa itaas Kikoy.”

Hindi na tumanggi si Kikoy.

“Pasensiya ka na at maliit lang ang bahay namin.”

“Okey lang po Tatay Victor. Sanay po ako.”

“Maupo ka muna at magsasandok ako. Kanina pa ako nakapag­luto ng tanghalian. Kumakain ka ba ng ginisang sardinas na may repolyo?”

“Opo—masarap po ‘yun.”

Nagsandok si Tatay Victor ng kanin. Maputing-maputi ang umu­usok na kanin nang ilapag sa mesa.

Sunod na sinandok ay ang ginisang sardinas na may repolyo.

Naglagay ng dalawang pinggan, kutsara at tinidor at dalawang baso si Tatay Victor.

“Kain na, Kikoy.”

“Ang apo mo po? Nasaan na siya?”

“Ah baka nagbalik sa kanal. Nanghuhuli rin kasi ng dalag dun. Mamaya pa ‘yun babalik.”

Nagsimula silang kumain.

“Matagal na ba kayong magkakilala ni Dong, Kikoy?”

“Medyo matagal na rin po. Mas nauna ako kaysa kanya.”

“Wala ka namang nababalitaan na may kaaway siya roon, Kikoy?”

“Wala naman po. Bakit po?”

“Ito naman ay suspetsa ko lang—kasi parang hindi ako naniniwala na inatake sa puso si Dong.”

Hindi nakapagsalita si Kikoy. Itinigil ang pagkain.

“Kasi kilala ko ang aking anak na walang bisyo gaya ng sigarilyo at saka kinukuwento niya na lagi siyang nagja-jogging at nagbabasketball dun. Ibig kong sabihin, malayo siyang magkasakit sa puso.”

“Nagulat nga rin po ako nang sabihin mo kanina na patay na si Dong.”

“Ang naging pagkakamali ko ay hindi siya naipa-autopsy. Hindi ko naisip ;yun dahil gulung-gulo ang isip ko—hanggang nailibing na siya.”

“May duda ka po ba na pinatay siya?”

Tumango si Tatay Victor. (Itutuloy)

FLORCERFIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with