5 Doberman sa PNP
HINDI nakakatulong sa ambition ni DILG Sec. Mar Roxas na maging presidente ng bansa ang paggamit ng tong collectors ng kanyang pangalan sa illegal gambling, bold shows at mga casa. Habang patuloy na nag-iikot ang tong collectors, aba t’yak bababa ang tsansa ni Roxas na manalo sa darating na 2016 election. Sa huling survey kasi, nag-tie si Roxas sa 4th to 6th na puwesto ng presidentiables. Ang ibig sabihin nito, hindi umaangat ang rating ni Roxas kahit meron pa siyang propaganda pics na bumubuhat ng sako ng bawang at bigas at nagmamartilyo ng bangko sa isang classroom. ’Ika nga, wa epek ang gimik ni Roxas, di ba mga kosa? At kapag hindi napigilan ni Roxas itong mga tong collectors, tiyak magda-dive pa lalo ang kanyang rating sa susunod na survey. Hehehe! Positibo man o negatibo ang balita, nakakatulong ito para iangat ang awareness ng mga botante sa mga kandidato subalit parang di ito tumatalab kay Roxas, di ba mga kosa? Mismo!
Laman naman ng mga diyaryo na ang gumagamit ng pangalan ni Roxas para mag-ikot sa pasugalan, bold shows at casa ay sina Hika Llanado, Kapre Cruz, Boy Gago, Cris Retarded at Abnoy Espeleta. ’Yan ay sa Metro Manila lang ha, mga kosa? Dapat ipahabol na ni Roxas itong limang Doberman sa PNP para mahinto na ang kabalbalan nila. Kapag napaaresto na ni Roxas itong limang doberman at napakasuhan, aba baka buwenasin siya at biglang tumaas ang acceptance rating n’ya sa mga botante, di ba mga kosa? Hindi pa kasi nangyari sa liderato ng sinumang secretary ng DILG na nagpaaresto siya ng tong collectors kahit abot-langit na ang reklamo sa illegal na gawain nila. Ang limang doberman kaya ang kauna-uhanang maaresto dahil sa paggamit ng pangalan ng DILG secretary sa pangongotong? Puwede, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ’yan!
Kung sabagay, hindi lang ang pangalan ni Roxas ang ginagamit ng limang doberman kundi maging ang kay NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria. Mukhang hindi arok ni Valmoria ang pitsa na nanggaling sa pasugalan, bold shows at casa kaya maging ang mga operating units sa NCRPO ay nag-aaway tungkol sa tong collection. Sinabi ng mga kosa ko sa NCRPO na may bangayan sa ngayon ang RPIOU at R2 dahil hindi sila nagkasundo kung sino ba talaga ang may papel sa pasugalan, bold shows at casa. Hehehe! Pero sa totoo lang mga kosa, itong RPIOU ay dapat under ng R2 kung ang plantilla ng NCRPO ang gagawing basehan. Subalit ang hepe ng RPIOU na si Col. Olivar ay dumidirekta kay Valmoria na hindi naman nagustuhan ng R2. Hehehe! Ano ang say n’yo mga kosa?
Dahil sa awayan ng hepe ng RPIOU at R2, hindi dapat sila ang utusan ni Roxas na supilin at arestuhin ang illegal na gawain ng limang doberman. Kung sabagay, halos hindi na sinusunod ni Valmoria ang “no take” policy ni Roxas sa illegal gambling kaya ibang operating unit na lang ng PNP ang utusan n’ya, di ba mga kosa? Teka kumustahin natin sa Linggo ang jueteng nina Boy Orosco at Romy Peña sa siyudad ni Taguig Mayor Lani Cayetano. Abangan!
- Latest