^

Punto Mo

Uok (210)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KASAMA tayo sa suwerte nina Drew at Gab. Katulad ko, ma­yaman ka na rin Pareng Uok, ha-ha-ha! Dahil sa Uok, gumanda ang ating buhay,’’ sabi ni Tiyo Iluminado na ang halakhak ay pumuno sa loob nang malaking building.

“Oo nga, salamat sa Uok, Pareng Nado. Kung hindi dahil sa Uokcoco ay wala tayong yaman at hindi rin tayo magkakabati.’’

Ang kasayahan ng da­lawa ay hindi nailingid kina Drew at Gab. At masaya rin sila sapagkat natapos din ang problema ng dalawa. Ngayon ay matalik na magkaibigan ang dalawa at siguro’y panghabambuhay na ang pagkakaibigan. Mu­ling nabuhay ang pagkakaibigan ng dalawa. Kung noon ay si Renato, ngayon ay si Iluminado na.

“Ano kaya at sa halip na sa Maynila, ay dito na sa probinsiya manirahan si Daddy,” sabi ni Gab.

“Puwede. Mas maganda rito dahil sariwa ang hangin. Kailangan ng daddy mo ang sariwang hangin lalo at may sakit siya. Kaso ay sino ang magiging kasama niya rito?”

“E di ba narito naman si Tiyo Iluminado. Mabuti at magkakasama sila.’’

“Paano ikaw. Sinong ka­sama mo sa Maynila?”

“Kaya ko namang mag-isa. Sanay naman akong mag-isa, di ba?’’

“Sabagay. Noon pa nag-iisa ka na. At saka siguro naman hindi na magtatagal at magpapakasal na tayo, ano sa palagay mo Gab?”

Napangiti si Gab.

“Matagal pa. Apat na taon pa. Di ba mag-aabogado ka pa?”

“Oo nga ano.’’

“Pero alam mo, balak ko samahan na lang dito sa probinsiya si Daddy. Para naaasikaso ko ang ating Uokcoco pesticides. Gusto ko, tutukan na ito.’’

“Good idea. Dito na lang kita dadalawin ano?’’

“Yup!”

(Itutuloy)

ANO

APAT

MAYNILA

OO

PARENG NADO

PARENG UOK

TIYO ILUMINADO

UOK

UOKCOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with