^

Punto Mo

Uok (201)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PALAGAY ko tama ang teorya mo Drew. Kapag matured na ang mga Uokcoco, lalabas ang mga lawa-lawa at senyales din iyon na maaaring mamamatay na sila,” sabi ni Tiyo Iluminado na nakatingin sa mga Uokcoco sa container. Nag-iisip naman sina Drew at Gab.

“Pero wala ka pa namang nakikitang namamatay, Tiyo Iluminado?”

“Wala pa.’’

“Maaaring sa mga na­ibenta natin ay may mga namatay na dahil nag-matured na ang mga yun.’’

“Maaari nga, Drew pero bago sila namatay, napatay na nila ang mga peste sa niyugan.’’

“Pero hindi rin natin alam kung ang mga peste ay tulu-yang napatay o mayroon sa kanila na muling nagparami at nagbabanta na namang su-ma­lakay,’’ sabi naman ni Drew.

“Kaya mahalaga na maipa-eksamin natin ang mga lawa-lawa na ito. Baka nga ito ang makasagot sa mga tanong natin,” sabi ni Gab.

Hindi maintindihan ni Tiyo Iluminado kaya ipinaliwanag ni Drew ang tungkol sa pagpapaeksamin sa mga lawa-lawa.

“Aba dapat ay lumuwas na kayo ng Maynila para mapaeksamin ang mga lawa-lawa. Kung magkakaroon ng positibong resulta, aba, hindi na Uokcoco ang ibibenta na-ting panlaban sa white uok kundi ipang-iisprey na.’’

“Ganun nga po ang maaa-ring mangyari. Ang gagawin na lamang natin ay magpaparami tayo nang Uokcoco at saka kokolektahin natin ang lawa-lawa kapag nag-matured na sila. Hindi na natin kaila-ngang magbenta ng bawat pares ng Uokcoco.’’

“Tama ka Drew, napakahusay mo talaga.’’

“Kapag ganun, puwede nang pang-eksport, Tiyo Iluminado.’’

“Oo. Naiimadyin ko na Drew.”

 

MAKALIPAS ang ilang araw, lumuwas na sina Drew at Gab. Dala nila ang mga lawa-lawa na ipaiiksamen sa DOST.

Makaraan ang isang linggo, lumabas na ang result. Mahusayu na pamatay peste ang mga lawa-lawa mula sa Uokcoco!

Ibinalita iyon ni Gab. Tuwang-tuwa si Drew.

(Itutuloy)

DALA

DREW

KAPAG

LAWA

NATIN

PERO

TIYO ILUMINADO

UOKCOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with