^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagluray sa Pinay OFWs sa Kuwait

Pang-masa

AYON sa Migrante International, araw-araw ay may inaabusong Pilipina maid sa Kuwait. Noong nakaraang taon, 115 inabusong Pinay sa Kuwait ang tinulungang makauwi. Karamihan sa kanila ay tumakas sa malupit at manyakis na amo. Mayroong hindi pinasusuweldo at kung anu-anong pagmamaltrato ang ginagawa. Noong nakaraang linggo, nireport ng ABS-CBN ang isang Pinay maid na nabasag ang panga at nabali ang mga buto makaraang tumakas sa malupit at manyakis na amo. Humihingi ng katarungan ang kawawang maid.

Sobra na ang ginagawang pang-aabuso sa mga Pinay. Hindi lamang ang employer ang nang-aabuso kundi maging mga pulis at mga lalaking tinedyer na pinagtitripan ang sinumang makitang babaing naglalakad sa kalye na hindi nila kababayan. Napakasama! Maski ang among babae ay walang patumangga kung buhusan nang mainit na tubig ang maid o kaya’y plantsahin sa likod.

Noong nakaraang taon, napabalita ang isang Pinay maid na nagtatakbo nang hubad sa kalsada ng Al-Oyoun, Kuwait City. Hinihinalang nasira ang isip ng Pinay makaraang abusuhin ng kanyang amo. Mayroon namang nagsabi na nakatakas ang Pinay sa aktong panggagahasa ng kanyang amo at nagtatakbo nang hubad.

Noong 2012, ipinagtapat ng isang Pinay ang masaklap na karanasan sa dalawang pulis Kuwaiti na nanggahasa sa kanya. Ayon sa Pinay, naghihintay sila ng kanyang asawa ng taxi patungo sa pinagtatrabahuhan nang tigilan sila ng police car. Bumaba ang mga pulis at hinanapan sila ng marriage certificate. Nang sabihin nilang nalimutan sa bahay ang dokumento, isinakay sila sa police car at tinungo ang kanilang tirahan para kunin ang marriage certificate. Ang kanyang asawa ang bumaba para kunin ang dokumento sa bahay. Pero sa halip na hintayin ang pagbalik ng asawa, tinangay na siya ng mga pulis at dinala sa isang tent sa disyerto. Tinalian ang paa’t kamay at binusalan. Kahit may regla ang Pinay ay walang awang ginahasa. Iniwan siya sa disyerto hanggang may tumulong sa kanya.

Payo sa mga Pinay na nagnanais magtrabaho sa Middle East, huwag sa Kuwait sapagkat lulurayin kayo roon.

 

AL-OYOUN

AYON

BUMABA

HINIHINALANG

HUMIHINGI

KUWAIT CITY

MIDDLE EAST

NOONG

PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with