EDITORYAL - Mga kinakalawang na plaka
PROBLEMADO ang Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil sa napakaraming plaka ng sasakyan na nakatambak sa kanilang impounding area. Sa dami ng mga plaka, puwede na raw magpagawa ng isang gusali na may taas na walong palapag. Ang mga plaka ay nakumpiska ng MMDA enforcers mula 1994 hanggang 2004. Umabot sa 22,628 ang mga plaka. Pinaka-marami ang mga plakang nakumpiska sa mga motorsiklo (7,494), pribadong sasakyan (5,800), public utility jeepneys (4,584), buses (3,700), trucks (700) at Asian Utility Vehicles (350). Ayon sa MMDA, kinumpiska ang mga plaka dahil sa iba’t ibang vioÂlations. Pinakamarami ang nakumpiskang plaka dahil sa illegal parking. Hindi na tinubos ang mga nasabing plaka. Hanggang sa lumipas ang maraming taon.
Kinakalawang na ang mga plaka at binabalak nang i-dispose ng MMDA. Pero ang problema ay baka gawin pang ebidensiya ng LTO ang mga plaka. Balak din ng MMDA na tunawin ang mga plaka para gawing bangka. Sabi ni MMDA chairman Francis Tolentino, sa dami ng mga plaka maaari nang magpagawa nang maliit na tulay.
Sa halip na mamroblema, dapat makipagkoÂordinasyon ang MMDA ukol sa mga plaka. Pagtulungan nilang lutasin ang problemang ito. Maaaring nagkulang din ang LTO sa mga plakang ito. Kung hindi na binalikan ng violators ang kanilang plaka, ibig sabihin, nakakuha na sila ng bagong plaka. At hindi ba nag-usisa ang LTO kung bakit nag-aaplay ng panibagong plaka ang aplikante. Dapat binusisi muna bago inaprubahan. Kung walang pagkilos ang LTO laban sa mga plaka, dapat nang i-dispose ang mga ito ng MMDA. Tunawin na lang nila at gawing mga wheelchair o iba pang bagay na pakikinabangan.
- Latest