‘Herederong palaboy’
NARANASAN mo na ba na panatag ka dahil merong nakatabi na para sa ‘yo ngunit paggising mo iyong natuklasan na wala ng laman ang baul na ito.
“Tinanggalan nila ko ng bubong at sahig na matitirhan. Kinuha nila ang lahat ng para sa ‘kin. Wala silang itinira kahit isa man lang tingting,†simula ni Edmund.
Nag-iisa siyang anak at lahat ng ari-arian ng kanyang mga magulang ay siya lang ang dapat tagapagmana. Nang mawala na ang mga ito pineke umano ng kanyang tiyahin ang mga dokumento at pinalabas na ito’y nabili sa kanyang ina. Mula nang bata pa ang ngayo’y dalawamput walong taong gulang na si Edmund Acar, nakatira sa Batanggas tila malayo na ang loob sa kanya ng tiyahin na si Nenita Lapitan.
“Nung bente uno anyos ako narinig ko na sinabi ng tiyahin ko na hindi daw ako tunay na anak ng mga kinikilalang mga magulang ko,†pahayag ni Edmund.
Napaisip man hindi na lamang pinansin ni Edmund ang narinig dahil hindi niya naman naramÂdamang ampon siya. Halos lahat ng pagmamahal nito ay sa kanya lamang nakatuon at lahat ng kanyang pangangailangan ay ibinibigay ng mga ito. Dating interpreter sa munisipyo ang tatay ni Edmund habang guro naman ang kanyang ina. “May pag-aari kaming residential na 390 sqm at agricultural na 3,200 sqm kami. Ako lang ang dapat maiiwanan nun,†ayon kay Edmund.
Nung may sakit pa lamang ang kanyang ina nakatira umano siya sa isang subdibisyon ngunit pinaalis siya ng kanyang tiyahin at pinalipat sa mas maliit na bahay. Nang tanungin niya ang dahilan ipapaayos at papaupahan daw ito para may pambili ng gamot ang ina. Ang tiyahin niya daw ang gumastos sa pagpapaospital ng ina pati nang mamatay ito.
“Nung wala na ang nanay ko ginawan nila ng paraan na mapunta sa kanila ang mga pag-aaring naiwan niya. Gumawa sila ng kasulatan na nabili nila ang lupa sa napagbilhan ng nanay ko,†kwento ni Edmund.
Lahat umano naipalipat sa pangalan ng kanyang tiyahin at wala ni isa ang natira sa kanya. Ipinagpipilitan ng mga ito na hindi siya tunay na anak nina Isabel at Demetrio kaya’t wala siyang karapatang magmay-ari ng mga ito. “Sa birth certificate ko nakalagay naman na legitimate child ako. 1982 ikinasal ang mga magulang ko,†ayon kay Edmund.
Nang ipakita niya sa amin ang mga dokumento napansin naming huli ang pagkakarehistro niya. Ipinanganak siya noong Agosto 2, 1985 at naipatala siya noong Setyembre 4, 1986. Singkwenta na ang kanyang ama at apatnapu’t anim na taong gulang ang kanyang ina ng mga panahong yun.
“Matanda na din naman kasi nung magpakasal ang mga magulang ko. Kwarenta’y siyete na si tatay at kwarenta’y singko na si nanay,†pahayag ni Edmund.
Kaisa-isa daw siyang anak at ang kanyang tiyahin lang na si Nenita ang nagsasabi na siya’y hindi tunay na anak ng mga ito. Kinukwestiyon din ni Edmund ang nakalagay sa kasulatan na nagsasabing Php80,000 ang ibinayad ni Nenita kay Isabel. Taong 2008 daw pumirma ang kanyang ina ayon sa kasunduan. Paano umano mangyayari ito gayung comatose na nung panahong yun si Isabel. Ayon kay Edmund malinaw daw na hindi tunay na pirma ng ina ang nakalagay sa dokumento. Bilang kaisa-isang anak nais ni Edmund na mapunta sa kanya kung ano ang nararapat niyang matanggap.
“May namana akong pera na tatlumpung libong piso sa time deposit nina nanay. Maliban dun wala na akong nakuha. Sa ngayon nakikitira na lang ako sa kaibigan,†wika ni Edmund.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Edmund. BILANG TULONG inirefer namin si Edmund sa Land Registration Authority (LRA) kay Atty. Eulalio Diaz III at sa Social Security System (SSS) kay Ms. Lilibeth Suralbo.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, maraming naiwang katanungan tungkol sa katauhan ni Edmund. Kabilang dito na isang taong huli sa pagrerehistro ng kanyang kapanganakan ngunit nakalagay naman sa kanyang birth certificate na siya’y anak nina Isabel at Demetrio.
Sinasabi ng kanyang tiyahin na siya’y ampon kaya’t initsapwera siya sa hatian ng lupa. Dapat icontest niya ang ginawang annulment of title kung talagang pineke ng mga ito ang pirma ng kanyang ina. Unang magiging basehan dito para malaman kung siya’y karapat-dapat na tagapagmana ay ang birth certificate niya o kung siya’y ginawang beneficiary ng kanyang mga magulang. Kung talagang ampon siya kailangang mapatunayan nila na ikaw ay hindi tunay na anak nina Isabel at Demetrio. Nullity of title with re-conveyance ang dapat niyang gawin. Sa ngayon alamin niya muna kung ang nasabing lupa ay nakapangalan na nga ba kay Nenita o nasa pangalan pa din ng kanyang ina.
Maaari din siyang magsampa ng kasong ‘Falsification of Public Documents’ dahil meron tayong sinasabi sa batas na ang taong may hawak ng palsipikadong dokumento ay inaakala na siya ang may akda nito dahil siya ang makikinabang sa bandang huli. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.
- Latest