Batang naaksidente sa zoo, inaruga ng babaing Gorilla
ANG gorilla ang pinakamalaking unggoy sa buong mundo kaya naman hindi ligtas ang mapalapit sa mga hayop na ito, sa gubat man o sa zoo. Kaya naman laking takot ng lahat nang aksidenteng mahulog ang isang tatlong taong gulang na batang lalaki sa kulungan ng mga gorilla sa isang zoo sa Illinois noong 1996.
Nasa mababang baÂhagi ng zoo ang kulungan ng pitong gorilla na nasa Brookfield Zoo at nahulog doon ang bata sa taas na 18 talampakan. Sa taas ng pagkakahulog ay nawalan ng malay ang bata pagbagsak nito sa kulungan ng mga gorilla.
Dahil mapanganib ang mga gorilla lalo na kapag pinasok ang kanilang teritoryo ay walang naglakas-loob na tuÂmalon papunta sa mga kulungan ng mga gorilla upang sagipin ang bata. Kahit ang mga pulis na rumesponde sa insidente ay walang nagawa kundi pagmasdan ang nakaÂhandusay na bata. Ang tanging nagawa ng mga namamahala ng zoo ay mag-spray ng tubig sa paligid ng bata sa pag-asang maitaboy ang mga gorilla.
Hanggang isang babaing gorilla na nagngangalang Binti ang lumapit sa bata at binuhat ito na para bang sarili niyang anak. Hanggang iabot nito ang bata sa kamay ng mga paramedic na naghihintay sa labas ng kanyang kulungan.
Hindi ito ang unang beses na iniligtas ng isang goÂrilla ang isang batang naaksidente sa zoo.
Noong 1980s ay isang laÂlaking gorilla naman ang nagligtas sa isang batang nahulog din sa kanilang kulungan sa isang zoo sa Jersey. Binantayan ng gorilla ang bata hanggang dumating ang mga paramedic.
- Latest