‘Laban hanggang dulo’
NAKAIMPAKE na ang bagahe, nakakondisyon na ang kanyang isip, batak na ang kanyang katawan para harapin ang bagong hamon sa ibang bansa.
Walang nakikitang magandang kinabukasan sa ating bayan ang isang tatlumpung taong gulang na taga-Laguna na si Aldrin Camus. Alam niya na sa ibang bansa matatagpuan ang solusyon sa pagkalubog ng kanyang pamilya mula sa kahirapan at guminhawa ang kanilang kalagayan. Ika-17 ng Agosto 2013 nang i-refer siya ng isang kakilala sa Marhaba International Management Service Co. Dalawang posisyon ang inialok sa kanya ng Marhaba. Housekeeper at pagiging magsasaka. Pinili ni Aldrin na maging housekeeper sa isang Hotel sa Austria.
“Ang sahod daw Php75,000 pataas bawat buwan. Natuwa ako dahil makakaipon kami. Libre din daw ang pagkain at tirahan,†kwento ni Aldrin. Dalawang taon ang kontrata. SumaÂilalim na kaagad si Aldrin sa medical examination. Php5,500 ang kanyang ibinayad. Hiningian din siya ng Marhaba ng mga requirements tulad ng passport, diploma, transcript of records at NBI clearance.
“Siningil din nila ako ng Php25,000 para sa visa processing. Una Php55,000 ang hinihingi nila pero sinabihan ko sila na wala talaga akong pera,†wika ni Aldrin. Nangako na lamang si Aldrin na kapag nakaalis siya ay saka na lamang niya babayaran ang kulang. Pumayag naman umano ang Marhaba.
“Yung perang ipinangbayad ko inutang ko yun sa patubuan. Binabaan lang ng kaunti ang porsyento dahil kakilala namin,†salaysay ni Aldrin. Pangako daw sa kanya ng Marhaba OkÂtubre 2013 makakaalis na siya. Lumipas ang ilang buwan naghihintay pa rin si Aldrin na makaalis.
“Kinutuban na ako. Parang hindi maganda ang nangyayari. Ang dahilan nila ililipat daw ako ng London at housekeeper din,†wika ni Aldrin. Gusto nang umatras ni Aldrin pero nagbabakasakali pa din siyang may magandang mangyari sa kanyang pag-aapply kaya hinintay niyang mag-Enero.
“Nung nagbabasa ako ng dyaryo nakita kong hinuli sila ni dating Mayor Alfredo Lim sa kasong Estafa at Illegal Recruitment,†ayon kay Aldrin.
Accredited naman daw ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang Marhaba. Agad siyang nagpunta sa ahensiya ngunit sarado na ang opisina. Napag-alaman niyang nakakulong daw ang mga ito sa Manila City Hall. “Kasama dun ang anak umano ng may-ari na si Dennis Abellon. Inisip ko na kailangan kong kumilos para mabawi ang aking pera dahil agad kong naramdaman na biktima rin ako ng mga ito. Naghintay ako ng makakasama at nakapagsampa kami ng kaso. Hanggang ngayon wala pang resolusyon,†salaysay ni Aldrin.
Ang ilan daw sa nauna sa kanila ay nakuha na ang ibinaÂyad. Nais ni Aldrin na mabawi ang kanyang ibinayad. Kwento niya marami umano silang naloko nito. Php55,000 ang ibinayad ng ilan at ang iba naman umaabot ng isangdaang libong piso.
“Nag-apply na ako sa iba. Sa Oktubre aalis na ako. Gusto kong makuha ang pera ko para may maiwan sa pamilya ko. Kailangan ko pa kasing mag-training ng isang buwan dun,†pahayag ni Aldrin.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Aldrin.
BILANG TULONG ini-refer namin si Aldrin kay Administrator Hans Leo Cacdac ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, nais namin ipaalalang muli ang mga legal ng ‘recruitment agency’ hindi mo kailangan magpaluwal ng ‘placement fee’ sa simula pa lamang.
May mga employer sila na magbabayad dito para makakuha kayo ng working visa at maproÂseso ang inyong mga papeles.
Kung kailangan man ay ang medical at passport mo lamang ang iyong pagkakagastusan. Aming pinapayuhan ang ating mga kababayan sa pagtatrabaho sa Gitnang Silangan dahil sa sampung maari mong amo, walo dito ang malamang magkaÂproblema ka.
Ang mga recruiters na nanloloko ng ating mga kababayan ay lumalakas ang loob dahil magreklamo lang ang ilan, ang gagawin nila aayusin ito para hindi sila makasuhan ng Large Scale Estafa through Illegal Recuitment. Ang mga recruits na mismo ang nag-uurong ng kanilang reklamo. Upang mahinto ito, kailangan ilaban hanggang dulo para hindi na sila makapanloko pang muli. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kaÂyong mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.
- Latest