Healing Foods
Olive oil sa Masakit na kalamnan
Ang pagkunsumo ng 3 ½ tablespoon extra virgin olive oil sa buong maghapon ay sapat na upang matanggal ang panaÂnakit ng kalamnan. Kung hindi makainom ng purong olive oil, gamitin ito sa vegetable salad. Ang olive oil ay may oleocanthal na nagpapabilis ng pakumpuni ng muscle. Ang olive oil ay epektibo para matanggal ang pamamaga ng muscle kagaya ng nagagawa ng gamot na Ibuprofen.
Pinya: Nagpapagaling ng pasa at gasgas
Mayroon itong bromelain na nagtatanggal ng pasa o pamamaga dahil sa mga galos na natamo ng balat. Kumain ng 2 cups ng fresh pinya sa loob ng isang araw. Pero wala namang over dosage sa prutas lalo na kung wala kang diabetes. Mas marami, mas mainam.
Chamomile Tea sa ‘bloated tummy’
Yung dumadaing diyan na malaki ang tiyan na tila butusin, pag-inom ng chamomile tea lang ang katapat niyan. Nagpapaliit ito ng bloated tummy dahil magaling itong pampatunaw ng kinain.
Pakwan sa masakit na ulo
Base sa ginawang pag-aaral, dehydration ang number one dahilan kung bakit sumasakit ang ulo. Kaya ang solusyon ay kumain ng prutas na mayaman sa tubig. Ang natural na asukal ng pakwan ay nagsisilbing gatong para maging masigla at alerto ang utak. Gawing miryenda ang pakwan.
Parsley laban sa allergy
Ang parsley ay may antioxidant na kung tawagin ay quercetinÂ. Ito ang humahadlang para hindi sumumpong ang allergy mo pagkatapos kumain ng pagkaing nagbibigay ng problema sa iyo. Ihalo ito sa salad.
- Latest