^

Punto Mo

Babae sa China, 10 taon nang suot ang kanyang wedding gown

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 47-anyos na babae sa China ang hindi pa hinuhubad ang kanyang sinuot na wedding gown 10 taon matapos siyang magpakasal!

Pero may malaking dahilan kung bakit malaki ang pagka­humaling ni Xiang Junfeng sa kanyang wedding gown. Mayroon siyang pinagdaanan sa buhay kaya hindi siya masisisi sa kakaibang pag-uugali.

Noong siya ay 18-anyos, dinukot si Xiang at ipinagbenta sa isang matandang lalaki na ginawa siyang asawa. Inalila siya nito at pinagtrabaho sa bukid. Pawang pang-aabuso ang naranasan niya. Ilang taon din bago nagawang makatakas ni Xiang mula sa matanda. Tinulungan siya ng isang babae.

Bukod sa pagtulong sa kanya na makaalis mula sa mapang-aping matanda, ang babae rin ang naging daan upang makilala ni Xiang ang lalaking kanyang pinakasalan 10 taon na ang nakararaan. Magkapatid ang babae at ang la­laking napangasawa ni Xiang.

Nagpakasal sila noong 2004. Maligayang-maligaya siya. Mula nang araw nang sila ay ikinasal, palagi nang nakasuot ng wedding gown si Xiang. Dahil ayaw niyang magsuot ng damit na hindi pangkasal, nagpagawa pa siya ng tatlo pang wedding gown. Sinadya niyang maging apat ang kanyang wedding gowns upang ang bawat isa ay kumakatawan sa isa sa apat na seasons ng China.

Bagamat hindi pa rehistrado ang kanyang kasal noong 2004 dahil hindi pa opisyal na hiwalay si Xiang mula sa matandang lalaki na kanyang tinakasan, pinag-iisipan na ng mga kinauukulan kung isasa­alang-alang nila ang mga pinagdaanan ni Xiang upang maging opisyal na ang kasal nito 10 taon na ang nakararaan.

 

vuukle comment

BAGAMAT

BUKOD

DAHIL

ILANG

INALILA

KANYANG

MAGKAPATID

XIANG

XIANG JUNFENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with